|
|
| Marian: Sana for life na kami ni DingdongAuthor: Lito Mañago KUNG pagbabasehan ang mga ikinikilos at kislap sa mga mata ni Marian Rivera, hindi na kailangan pang su-magot ito sa tanong kung sila na nga ni Dingdong Dantes. "Actions speak louder than words," says our informant. Kapag tinatanong naman sina Yan at Dong nang totoong estado ng kanilang relasyon, laging safe naman ang sagot ng dalawa. May nakapagsabing napapadalas ang pagdalaw ni Dong sa condo unit ni Marian kung wala rin lang lakad ang dalawa. Madalas din daw ipag-luto ni Marian ang kanyang favorite leading man ng chicken curry, na paborito ng aktor. At sa tanong kung for life na ang kanilang "special relationship," simple lang daw ang pinakakawalang sa-got ng dalaga. "Sana," ani ng lead star ng bagong Darna. "Pero ang mahalaga, masaya kami. At kung kami talaga in the future, mangyayari 'yon. Basta sa ngayon, si Dingdong ang pinakamahalagang lalaki sa aking buhay. " Sa Aug. 10 (Monday), nakatakda nang lumipad ni Marian. Ang pinagbibidahan niyang Darna (halaw sa novela ng namayapang si Mars Ravelo) ay mapapanood na sa Kapuso Network. Una itong napanood sa Telebabad Block ng GMA-7 many years back na ginampanan noon ni Angel Locsin. Tiyak na ikatutuwa ni Marian ang komento ng i-lang press na isa siya sa may pinakamagagandang muk-hang gumanap na Darna. Mark Anthony Fernandez serves as Marian's newest leading man. * * * HERE'S an updated results ng Are You the Next Big Star ng GMA Network. Naisulat namin last Sunday that there are only 8 remaining hopefuls na puwedeng mapasama sa Magic 6 para sa gaganaping grand showdown. Pero last Saturday's edition of AYTNBS, tuluyan nang pinauwi ang Fil-Am aspirant na si Alexa Ortega. Dahil sa galing na ipi-nakita nina Geoff Taylor at Jay Perillo, may katiyakan nang mapapasama ang dalawa sa matitirang hopefuls sa grand showdown. For 5th straight week, muling napasama ang pa-ngalan ni Greggy Santos sa bottom list, along with Bulacan councilor, Alex Castro. Kung kami ang tatayong hurado, mas pipiliin naming mawala na sa list ng hopefuls si Greggy. Mas papaboran namin si Alex for the simple reason na mas malaki ang improvement ng boses ni Alex over Greggy, at higit na mukhang star ang una sa huli. This Saturday (Aug. 8), walang matsu-tsugi sa mga babae. Dinig namin, 'in' na sina Zyrene Parsad, Camille Cortez at Frencheska Farr for the slot intended for the girls. Alinman kina Greggy at Alex ang matatanggal this Saturday, ang maiiwan ay kasama na nina Jay at Ge-off na bubuo ng Magic 3 among the boys. At kung hindi mababago ang plano, ang grand showdown ng Are You the Next Big Star, hosted by Regine Velasquez and Keempee de Leon, will be held at SMX Convention Center. * * * FIRST time naming naka-usap in person ang ex-PBB (Pinoy Big Brother) graduate na si Rico Barrera. Mas guwapo pala siya in person than on TV. Mahigit isang taon na rin pala siyang bakante at wala raw project ngayon sa ABS-CBN na natapos na rin ang exclusive contract sa Star Magic. Nang mag-end ang kontrata niya sa kanyang mother studio, umuwi muna si Rico sa Subic, Olongapo para tumulong sa parents na nagpapatakbo ng isang pawnshop at resort. Pero bumabalik din daw siya sa Manila kapag may mga booking ng show at raket sa rampa. Ilan sa shows na nagawa niya sa ABS-CBN ay Super Inggo, Maalaala Mo Kaya (The Rico Barrera Story), Gulong ng Palad, Your Song at Kahit Isang Saglit. Gusto na ring subukang mag-freelance ni Rico. Kung may pagkakataon, type daw niyang ma-ging Kapuso katulad ni Say Alonzo (batchmate niya sa unang season ng PBB). Rico is included in the cast ng Marino with Ara Mina, Bangs Garcia at Al-len Dizon. He plays a seaman who falls in-love with a guy. * * * For comments, please email us at whalesharkph @yahoo. com. Source: Taliba |