Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Marian admits Dingdong getting closer to her family

Author: Rowena Agilada
Column: Entertainment

DALAWANG magkasunod na araw nakausap ng TEMPO si Marian Rivera. Friday (March 13), sa taping ng 'Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang' sa Baras, Rizal, at sa isang restaurant malapit sa GMA Network Center the next day. Halos pareho ang mga sagot ni Marian at ayaw paapekto sa sinabi ng isang young star na bini-build-up ng GMA.


Magkatabi sila ni Dingdong Dantes nang nakausap sila ng ilang press during breaktime ng taping nila ng 'ABHST.' Smile lang si Marian nang tanungin kung sila na ba ni Dingdong. Aniya, masaya siya at nag-e-enjoy sa company ni Dingdong. She's happy na open na sila at nakakalabas na sila, nanonood ng sine kapag pareho silang may free time.

Nakakapunta na si Dingdong sa bahay ng lola niya (Marian) sa Bacoor, Cavite. Excited nga raw ang lola niya and her mom kapag nakikita si Dingdong. Ipinagluluto pa ng lola niya ang binata ng paborito nitong pagkain. Kinukulit pa nga raw ng lola niya si Dingdong at kung anu-ano ang itinatanong.

Nagkakausap na rin daw sa telepono sina Dingdong and her dad na nasa Madrid, Spain. Supposedly next month ay darating sa Pilipinas ang daddy ni Marian. Kaya lang daw, hindi nito maiwan ang restaurant business, kaya baka siya na lang ang pumunta sa Spain para dumalaw. May asawa nang Espanyola at dalawang anak ang dad niya. May iba na ring partner ang mommy ni Marian na isang Pinoy, pero, wala siyang kapatid sa ina.

Humahanap din ng oras si Marian para sa blessing ng ipinatayo niyang 12-door apartment sa Bacoor. Aniya, parang town house ang yari na tinawag niyang La Buena Casa.

Ano naman ang reaction niya sa sinabi ni Robin Padilla na gustong siyang makatrabaho nito? "Okey lang. Wala akong karapatang tumanggi kung sino ang gustong ipareha sa akin ng GMA. May kontrata ako sa network at wala akong karaparatang mamili ng katrabaho o project na gusto nilang ibigay sa akin."

Ano naman ang masasabi niya na ibi-build-up ng GMA si Carla Abellana na ayon sa isang big boss ay the next big star ng GMA? Ito ang magbibida sa 'Rosalinda.'

"I'm happy for her. Kung gusto niya o kailangan niya ng tulong ko, why not? Parang ako noong nag-umpisa ako sa 'Marimar.' Walang problema sa akin kung ibi-build-up siya ng GMA," aniya.

Ayaw ding magpaapekto ni Marian sa sinabi ni Carla na La Salle graduate ito at cum laude pa. La Salle graduate rin si Marian na aniya, "Wala naman siya sigurong masamang interpretation nang sabihin niya 'yon."

Pinabulaanan naman ni Marian ang tsikang tinanggal siya bilang kasama ni Piolo Pascual sa isang product endorsement at si Karylle ang ipinalit sa kanya. Ani Marian, nag-renew siya ng kontrata at ang Japanese model na si Akihiro Sato naman ang kasama bilang endorsers ng naturang produkto.

Source: Tempo