Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Marian, agresibo sa romansahan!

Marian, agresibo sa romansahan!

Author: Ruel Mendoza

MATAPOS bagyuhin ng sunud-sunod na intriga noong 2008, mukhang tahimik ang simula ng 2009 para kay Marian Rivera.

Tahimik ngang nagtatrabaho ngayon si Marian para sa kanyang bagong soap drama na 'Ang Babaeng Hinugot sa A­king Tadyang'.

Say nga ni Marian, naninibago siya sa pagpasok ng taon para sa kanya. Kung last year daw ay simula pa lang ng 2008 ay kabi-kabila na ang mga intriga sa kanya, nga­yon ay tila naubusan na ng mga dapat na ibato sa kanyang mga tsismis.

“Nakakapanibago kasi ang ganda ng simula ng taon. Walang intriga at walang nakakalokang mga balita. Mas maganda naman kung ganito, 'di ba?

“Mukhang nagsawa na rin silang intrigahin ako. Napatunayan ko naman na walang katotohanan ang lahat ng mga binato nila sa aking mga intriga, 'di ba?

“Sana nga ganito ka-smooth ang lahat. Walang tension at wala nang umiiyak. Last year kasi ilang beses akong umiyak dahil sa mga sari-saring balita na nagsanga-sa­nga sa kung saan-saan. Pero 2008 made me a stronger person. Mas nakayanan ko ang sakit na dumaan. Kaya ngayong 2009, mas matibay na ako at may nagpayo nga sa akin na iwas ako na maaksidente ulit.

“May hula kasi na takaw-aksidente raw ako sa taong ito. Kaya panay ang dasal ko na sana 'yung naging aksidente ko last year ay huli na iyon. Wala nang anumang mangyaring hindi maganda sa akin.”

Sa bago ngang soap drama ni Marian, gagampanan niya ang papel na Proserphine na originally ay ginampanan ng tinaguriang Miss Body Beautiful na si Vivian Velez.

Mas maalindog nga raw si Marian sa bago niyang soap drama na ito at mas agresibo siya kesa sa leading man niyang si Dingdong Dantes.

“Hindi namin napanood ang original movie kasi wala ngang kopya. Pero kinuwento naman sa amin ni Direk Carlo Caparas 'yung istorya at kakaiba siya. Ibang cha­racter ito para sa akin at para kay Dong.

“Dito kasi may misteryo ang pagkatao ko at mas marami akong mga gagawin na ikagugulat ng marami. Kung mas sexy? Oo naman, siyempre, hihigitan mo ang mga nagawa mo na before, 'di ba? Basta ang role ko bilang si Proserphine ay nakakalokah siya. Mababaliw ang mga lalake sa kanya kung may totoong tao na katulad niya.”

Hindi rin daw mawawala ang mga halikan at romansahan nila ni Dingdong sa naturang show. Tadtad nga raw ito ng mga maiinit na mga tagpo.

“Meron naman talaga. Bakit naman mawawala? Ha! Ha! Ha! Ha!” malakas na tawa ni Marian.

“Kasama iyon sa character ko na aakitin ko si Homero (role ni Dingdong) at guguluhin ko ang mundo niya. Pero hindi pa namin iyon nasu-shoot.

“Kung may love scene? Oo naman. May mga ganyang mga eksena na alam namin na hahanapin ng mga manonood. May tiwala kami kay Direk Joyce (Bernal) kasi nga ikatlong beses na namin siyang director. For sure na maganda lalabas ang anumang mainit na eksena namin ni Dingdong.”

At siyempre, hindi pa rin nawawala ang mga usap-usapan tungkol sa kanila ni Dingdong. Kung may aaminin daw sila, wala naman na raw hadlang dahil pareho namang wala nang commitment ang dalawa.

“Siguro ang masasabi ko lang ay mas naging close kami ni Dingdong ngayon. Mas nakakapag-usap kami ng maayos at mas nagkakaintidihan kami bilang magkaibigan.

“Sa sinasabi nila na kung may aaminin kami, kung meron man siguro hintayin na lang nila. 'Yun ay kung meron huh! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Kami naman ni Dong, hindi kami nagpapaasa. Baka super wait naman sila tapos wala naman, 'di ba?

“Siguro wait na lang nila ang bagong show namin na ito at inaasahan namin ang suporta ng marami ulit tulad sa ginawa nilang pagsuporta sa Marimar at Dyesebel,” pagtatapos pa ni Marian.

Source: Abante