|
|
| Marian at Angel, parehong type ni John Lloyd!![]() Author: Abante NAGULAT si John Lloyd Cruz, at halatang na-excite siya nang may magsabi sa kanya na may plano ang Regal Films na gawan sila ng movie ni Marian Rivera. “Ah talaga? Regal ba siya?” balik-tanong ni John Lloyd. “Actually, crush ko 'yun, eh,” dugtong na sabi pa ni John Lloyd. Siyempre, hindi pinagbigyan ng entertainment press ang pakiusap ni John Lloyd. Sabi pa ng press kay Lloydie, wala namang masama kung malaman ng lahat na crush niya si Marian. “Well, kumbaga, nakaka-excite lang 'yung idea na ang makakatrabaho mo... kasi ngayon, parang ang nangyayari kapag taga-kabila, suntok sa buwan. Pero kung dahil sa pelikula, mabibigyan kami ng chance na magkatrabaho, bakit hindi?” Si John Lloyd din mismo ang nagkuwento na posible rin daw na ang susunod niyang series sa Dos ay si Angel Locsin naman ang makakasama niya. Pero mahirap daw sagutin ang sumunod na tanong sa kanya. At 'yun ay kung kanino siya mas nakakaramdam ngayon ng excitement na makatrabaho, kay Marian or kay Angel? “Grabe naman 'yung tanong? Magkaiba naman sila! Morena si Angel! Si Marian tisay!” Pinaalala namin kay John Lloyd na ang mga type niya ay morena. May nagpaalala rin kay John Lloyd na noong nasa GMA si Angel, sinabi rin daw niyang isa ito sa gusto niyang makatrabaho? “Oo!” mabilis niyang pag-amin. “Siguro nanggagaling 'yan sa 'uhaw' naming mga artista rito, gusto rin naming makatrabaho hindi lang mga flag bearer ng kabilang station, kahit hindi! “Ako nga, nalulungkot ako kasi, ang tagal na wala sa station ni Lola Caring (Caridad Sanchez). 'Yung mga ganoon. Ngayon, siyempre, kung may gustong makapareha, sinabi ko nga noon si Angel. Si Alessandra de Rossi rin, pero ngayon, lumipat na. “So si Marian naman, kung mabibigyan ng pagkakataon. I'm very excited. Sa idea pa nga lang, nae-excite na ko. How much more pa kung mag-materialize talaga,” sabi pa ni John Lloyd. Anyway, balik-tambalan nga sina John Lloyd at Bea Alonzo sa I Love Betty La Fea. Naka-plano na ring gawin ni John Lloyd ang movie with Ms. Vilma Santos at ang 2nd team-up nila ni Sarah Geronimo na balita pa niya, pang-Valentine's offering ng Star Cinema. So, tatapatan nila ang naka-planong project nina KC Concepcion at Richard Gutierrez sa GMA Films? “Hindi ko alam, eh. 'Yun lang ang huli kong narinig. Pero, siguro naman, baka hindi naman head-on. Baka iiwas din ng date. Puwedeng pre or post Valentine's offering ng Star Cinema, hindi ko alam kung ano ang gagawin,” say na lang ni John Lloyd. Anyway, ayon sa isang taga-Star Cinema, end of January 2009 daw ipalalabas ang John Lloyd-Sarah movie, kaya hindi ito tatapat sa movie nina Richard at KC sa GMA Films. Source: Abante |