Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Marian at Dingdong, 'di maitago ang landian

Author: Abante

Halos araw-araw ang taping nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, kaya araw-araw rin silang magkasama. Marami nga ang nagsasabi na hindi na talaga maitago pa ng da­lawa ang kanilang lam­bingan, landian, at pagmamahalan.

“Gusto namin 'yon, eh. Masaya kami sa ganoon,” sabi ni Dingdong.
Saan sila masaya?

“Sa nakikita nila. Huwag na lang siguro silang magtanong sa kung ano ang meron kami.?Sa ngayon kasi, ayaw muna naming madaliin ang isa't isa. Pero siyempre, kapag magkasama kami, masayang-masaya kami,” sagot ni Dingdong.

Eh, bakit kasi hindi pa sila umamin?

“Well, wala naman kasing dapat pang aminin. Ang importante is masaya kami.?Ang technicality, pagseseryoso.

“I cannot speak on her behalf, pero para sa akin, hindi pa panahon at darating 'yan. 'Yung pagseseryoso sa ganoong bagay.

“Although, I'm looking forward for it later, pero sa ngayon, mahirap ipagsabay ang mga bagay na importante sa akin,” paliwanag ni Dingdong.

So, masaya sila pag magkasama, pero hindi pa sila seryoso sa kung anong meron sila, o relasyon nila ngayon?

Source: Abante