Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Marian at Dingdong, ikinasal na naman Sunshine at Iza, patalbugan sa paggiling! Richard at Robin, no-show sa 59th anniv ng GMA!

Author: Abante

LAGPAS sa alas-nuwebe nang gabi na nagsimula ang ginanap na 59th Anniversary Show ng GMA-7 sa Araneta Coliseum last Friday, na pinamagatang, One Glamorous Night: Greater and Grateful at 59 The GMA Anniversary Special, na mapapanood sa June 28 sa SNBO.

Nagpaka-glamour-glamour ang GMA sa kanilang ika-59th year na kung saan rumampa ang lahat ng GMA stars pre­sent that night ng iba't ibang creation mula sa mga kilalang designers sa bansa tulad nina Fre­derick Peralta, Pepsi Herrera at iba pa.

Lahat ng production number ay may rumarampang Kapuso sa stage. No wonder na nakita namin sa may bandang sound ang mo­del/comedienne na si Wilma Doesnt na mukhang naatasan ng GMA na siyang mag-assist/direct ng modeling.

Sa opening pa lang habang kumakanta sina Kyla at Jay-R na halos 30 minutes nakatayo sa stage habang hinihintay na maayos ng production ang opening, rumampa na ang lahat ng mga Kapuso stars.

Unang rumampa sina Ms. Celia Rodriguez na tingin namin ay feel na feel ang moment na 'yun, along with Eddie Garcia. At sumunod na rumampa ang lahat ng Kapuso stars.

Inilantad na rin ng Kapuso ang lahat ng mga bago nilang shows na tulad ng All My Life nina Kris Bernal at Aljur Abrenica. Na in-fairness, feeling namin ay ma­la­king boost sa mga taga-network ang mainit na pag­tanggap sa da­lawa sa loob ng Araneta sa lakas ng pa­lakpakan at tili­an nu'ng luma­bas na ang magka-loveteam.

Sumunod naman ang Rosalinda nina Geoff Eigenmann and Carla Abellana.

Ang guwapo ni Geoff that night, at hindi ma-i­de-deny na ang pretty ni Carla.

At siyempre ang Darna na ang talagang title ayon sa nalaman namin ay Narda at mapapanood si Marian Rivera na nakasaklay bilang si Narda.

Maaaring disappointed ang ilan sa nag-aabang na baka naka-Darna costume si Marian paglabas nito sa stage, kaso, naka-gown lang din itong rumampa.

At pang-finale si Dingdong Dantes for his Stairway to Heaven na sa September naman ang airing. Pinakamarami at pinakaaktibo ang mga fans nina Dingdong at Marian sa audience na walang tigil sa kakasigaw ng mga pangalan nila tuwing lalabas ang mga ito on-stage.

Parang nag-give way naman si Mark sa rumored mag-sweethearts na sina Dingdong at Ma­rian dahil pagkatapos rumampa nina Marian at Mark na nakapangkasal, paglabas muli for finale ay si Dingdong na ulit ang kasabay at katabi ni Marian on stage. Mistula ngang kinasal na naman sina Marian at Dingdong.

Sa rami ng mga Kapuso stars na rumampa, hindi pa rin nawala sa pansin ng mga nanonood ang absence naman ng ilang kilalang Kapuso stars sa pangunguna na ni Richard Gutierrez.

Marami ang nag-abang na ito ang posibleng pang-finale after ng paglabas ni Dingdong dahil ang kanyang Full House ang posibleng isa sa mga last primetime series na ipapalabas ng network ngayong 2009. Hanggang sa makauwi kami ay walang makapagsabi sa amin kung bakit wala ito sa mismong anniversary show ng network.

Pero may chika na tila last few days na raw nang magpasabi itong hindi makaka-attend sa kung anumang kadahilanan. At 'yung solo spot ni Rhian Ramos na nagpaka-action star ito ay heard namin na kay Richard daw sana. Tuloy, feeling ng mga press na naroroon ay may isyu na naman yata!
In fairness, bongga ang set design na may pagka-Hollywood ang dating at glamour-gla­mour na mala-Sex in the City inspired.

Bukod kay Richard, kapansin-pansin din na wala ang iba pang Kapuso stars tulad nina Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, Nadine Samonte at Heart Evangelista, na 'yun naman pala ay pawang nasa iba't ibang bansa para sa Pinoy TV show.

Wala rin ang Eat Bulaga family sa pangunguna na siyempre nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon -- especially sa huli na bukod sa EB ay marami pang shows sa network.

Hindi rin namin nakita sina Mo Twister, Pia Guanio at Rufa Mae Quinto (na kinakarir ba ang pagse-self quarantine dahil 1 week na naman simula ng dumating ito sa bansa?).

Wala rin si Jolina Magdangal na mala­king palaisipan din kung bakit gayung may kasalukuyan itong primetime show, ang Adik Sa 'Yo, tuloy, ang palaging partner ni Marvin Agustin sa pagrampa ay ang ex-girlfriend na si Pauleen Luna.

Given naman na wala sa event ang mga alaga ni Tito Douglas Quijano na sina Gelli de Belen, Janice de Belen, Joey Marquez at Anjo Yllana dahil nagpasabi na ang mga itong hindi na nga makaka-attend.

Nagpatalbugan sa pa­­­seksihan naman sa ka­nilang mga dance costumes sina Rich Asuncion, Krissa Mae, Regine Tolentino, Sherilyn Re­yes, Sunshine Dizon at Iza Calzado.

Hataw sa pagsa­yaw si Sunshine, at wala siyang pakialam kesehodang lumabas na ang panty niya. Kunsabagay, naka-stockings naman siya, kaya okey lang `yon.

Huling rumampa si Marian sa portion na kung saan ay may suot na pakpak ang lahat. Ganda-gandahan sa kanyang pink costume at pink na pakpak si Marian.

Okey rin ang naisip na concept na formal outfit ng mga taga-news and current affairs dahil lahat ng gown at terno nila ay may print na newspaper ang telang ginamit.

Panghuli nga ang mga wedding outfits na ini­rampa ng mga Kapuso. At huling nag-spiel si Mel Tiangco at ang Asia's Songbird ang kumanta ng finale with Filipiniana collections along with different countries na merong GMA Pinoy TV.

Sa ending na tinawag si Sen. Bong Revilla at nag-closing spiel. Tuloy, lalong napansin na another big star ng network ang wala sa gabing 'yun, ang Totoy Bato star na si Ro­bin Padilla.

Source: Abante