Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Marian at Dingdong, nagli-live-in?

Author: Gerry Ocampo
Column: Hot Shots

Kung wala rin lang taping si Marian Rivera ay ipinagluluto niya ng chicken curry si Dingdong Dantes sa kanilang bahay.

Paborito kasi ni Dong ang chicken curry kaya 'pag may time siya, super-cook lang siya sa bahay at do'n na lang kumakain.

Pero nilinaw ng bagong Darna na hindi sila nagli-live-in ni Dingdong. Nagkakasama lang daw sila kapag walang taping

So, isa na ba itong pag-amin na sila na nga?

"Ang mahalaga, masaya kami at ini-enjoy namin ang isa't isa. Sa ngayon, siya ang masasabi kong pinakamahalagang lalaki sa buhay ko," pagtatapat ni Marian

Wala bang selosan o tampuhan nangyari sa kanila?

"Wala namang dapat ipagselos, eh. Kung meron man, naaayos namin 'yon agad," sey pa ni Marina.

Handa na ba siyang makita si Karylle?

"Maliit lang naman ang mundong ginagalawan namin, darating ang araw na magkikita kami at kapag nangyari yun ay hindi ko siya iiwasan. Wala naman akong ginawang masama at alam niya 'yun," esplika pa niya.

Speaking of Darna, nagsimula nang mag-taping si Marian para sa series na ipalalabas sa GMA-7 sa August.

* * *

Nawindang si Toni Gonzaga sa naglalabasang maldita at cause of delay siya sa show nila sa California.

Nagalit daw ang fans niya nang bumisita siya sa Methodist Church sa Los Angeles dahil nang magpa-picture ang mga ito ay ayaw daw niyang tanggalin ang kanyang shades.

May nangyari rin daw insidente sa Sea Food City resto na mayroon siyang sinupladahan.

True ba ito?

"Nabasa ko nga ang balitang 'yan. Hindi po totoo 'yon. Wala akong sinupladaan. 'Yung shades na 'yan, they can even take a look at the pictures na kinunan sa multiply site ng Methodist Church sa LA. Makikita nila doon na wala akong sout na shades," paliwanag ni Toni.

"'Yung sa Seafood City, hindi ko matandaan kasi medyo marami kaming seafood city resto na pinuntahan, eh. Pasensiya na po kung akala nila, eh, sinupladahan ko sila. Pero wala akong ganu'ng intensyon. "

* * *

MAY birthday celebration si Wilma Doenst sa The Sweet Life" QTV 11, Monday to Friday at 5 p. m.

Walang kamalay-malay ang co-host ni Lucy Torres sa show na may ipagagawa sa kanya at may magbibigay din sa kanya ng malaking sorpresa.

Kaabang-abang naman ang Wednesday episode ng TSL dahil ang mga certified Michael Jackson fans will hit the stage and will do a dance tribute para sa nag-iisang King of Pop.

Source: People's Tonight