Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Marian at Dingdong, sobra-sobrang maglambingan!

Marian at Dingdong, sobra-sobrang maglambingan!

Author: Rey Pumaloy
Column: Oh, Laban Ka?!

SI direk Joyce Bernal ang itinuturong siyang nagpasimuno ng pambubuko sa sabi-sabing relasyon ngayon nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Sabi pa, kinumpirma umano ni direk Joyce ang tunay na relasyon nina Dingdong at Marian. Sa set nga raw ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tad­yang ay kitang-kita ni direk Joyce na sobra-sobra kung maglambingan ang dalawa, kaya in-assume niya na mag-on na nga sina Marian at Dingdong.

Sa thanksgiving party na ibinigay ni Judy Ann Santos para sa mga taong tumulong sa Ploning, nakatsikahan namin si direk Joyce, at agad niyang itinanggi na kinumpirma niyang mag-on na sina Dingdong at Marian.

“Ang nangyari kasi, na-interview ako ng mga press, at tinanong nga ako kung totoong may relas­yon na sina Dingdong at Marian. Ang sagot ko naman, sa nakikita ko sa kanilang dalawa, na sweet nga sila sa isa't-isa, parang sila na nga.

“Pero, hindi ko sinabi na sila na talaga. And then, sinabi ko rin kina Dingdong at Marian na bakit kailangan pa nilang itago ang relasyon nila, kung meron na nga.

“Eh, akala siguro ng mga kaibigan ko sa press, kinumpirma ko na nga na mag-on ang dalawa. Hindi ko kinumpirma, pero inisip ko na parang sila na nga.

“Sa totoo lang, kahit ako, hindi ko pa talaga alam kung anong relasyon meron silang dalawa.

“Dati kasi, nakikita ko na paminsan-minsan sweet sila, minsan naman, hindi sweet.

“Pero nu'ng nag-taping kami ng Tad­yang, nakita ko na talagang sweet sila. At nu'ng tinanong ko sila, sagot nila, ganun lang daw talaga sila, na malambing sila sa isa't-isa. Pero, hindi pa raw sila mag-on.

“Ako kasi, ayokong magsinungaling, ayoko ring mag-deny, at ayoko ring magtago. Kapag tinanong ako, sumasagot ako.

“Kaya nu'ng tinanong ako tungkol sa kanilang dalawa, sinabi ko na sweet sila sa set namin. Kaya nga lagi ko silang tinutukso na huwag na silang magtago o mag-deny. Na ilabas na nila kung ano mang meron sila.

“Wala namang masama kung sila na, kasi pareho naman silang single.

“Pero, sabi ko nga, sa ngayon talaga ay hindi ko alam kung anong meron sila. Kung ano lang ang nakikita ko, `yun lang ang alam ko. At nakikita ko naman na malambing sila sa isa't isa,” sabi na lang ni direk Joyce.

Source: Abante