|
|
| Marian at Dingdong, walang tampuhanAuthor: Gerry Ocampo KUNG dati-rati ay tinatanggihan ni Marian Rivera ang role na Darna, ngayon ay mukhang payag na ito sakaling matuloy ang Captain Barbell Meets Darna ng GMA-7. "Kasagsagan kasi noon ng Dyesebel, ayoko namang naghihintay agad ng project at saka, hindi ko pa kayang mag-two-piece noon," katuwiran ni Marian. Itinanggi rin ng aktres na may tampuhan sila ng kaparehang si Dingdong Dantes kaya 'di siya pumayag sumama ritong magbakasyon sa farm ng mga Dantes sa Batangas. "Hindi sa ayaw kong sumama. Gusto ko lang makasama ang mga mahal ko sa buhay sa Cavite at alam 'yan ni Dingdong. Nauunawaan niya," say ni Marian. One week lang naman daw silang 'di magkakasama't magkikita ng rumored BF unless puntahan siya nito sa Cavite at yayaing pumunta ng Batangas. Magkalapit lang naman ang Batangas at Cavite, 'di ba? Hindi malayong magkasama pa rin ang dalawa ngayong Semana Santa. * * * SA Dumaguete City maghu-Holy Week si John Estrada kasama ang Brazilian model-girlfriend na si Priscilla Meirelles. Obviously, hindi totoong hiwalay na ang dalawa. Ang balita namin, desidido na si Priscilla na mag-apply ng permanent residency sa Pilipinas. Aprubado rin ng mga magulang ng dalaga ang relasyon niya kay John at tanggap siya ng mga anak nito kay Janice de Belen. Madalas daw magsama sina Priscilla at ang mga anak ni John at "tita" ang tawag ng mga bagets sa GF ng kanilang ama. * * * DINAGSA ng entertainment writers ang free medical at dental services na isinagawa ni Daniel Razon sa UNTV building sa EDSA nu'ng Linggo. Nu'ng una, ang akala nila'y paghahanda lang 'yon ni Daniel para sa plano sa 2010. Pero, seryoso palang talaga si Daniel na tumulong sa mga kapatid natin sa hanapbuhay. Pagdiriin pa ng staff ni Daniel, matagal na itong ginagawa ng boss nila, kaya ito binansagang "Mr. Public Service. " Wala rin itong balak pumasok sa pulitika, anila. Source: People's Tonight |