Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Marian at Iza, boobs kung boobs ang labanan!

Author: Nitz Miralles

How true na nagkita kamakailan ang showbiz couple na kabi-break lang at nagkaiyakan ang dalawa sa pagkikitang ’yon?

Nag-sorry daw ang actor kung may kasalanan man siyang nagawa sa ex-girlfriend na tinanggap naman nito nang maluwag sa loob.

Marami pa rin ang umaasang magkakabalikan ang dalawa sa paniwalang perfect girl for the actor ang ex-girlfriend.

Pero, sa interview sa actress, parang tinuldukan na nito ang tsansang makipagbalikan sa actor.

Ang importante, nagkapatawaran na sila.

* * *

Pelikula nina Marian Rivera, Dingdong Dantes at Iza Calzado ang One True Love at tama ang sinabi ng huli na hindi siya supporting dito at importante ang kanyang role.

Lutang ang husay ni Iza sa mga eksena at nakipag-sabayan magpaseksi kay Marian.

Unang eksena pa lang, nagpakita na ng boobs at boobs kung boobs ang labanan nilang dalawa, ha!

Pati sa kissing at love scenes, nakipagsabayan si Iza kay Marian at napakasuwerte ni Dingdong by having two competent actresses as his leading ladies.

Effective ang dalawang aktres sa eksenang mga mata lang ang nag-uusap at walang dialogue na parang sina Vilma Santos at Nora Aunor sa Ikaw ay Akin.

Hindi rin nagpahuli si Dingdong sa aktingan, lalo na ru’n sa goodbye scene nila ni Iza at ang biruan, baka naka-relate sa break-up nila ni Karylle.

Magtitilian tiyak ang fans sa eksenang almost nude siya at kumot lang ang nakatakip sa katawan.

Maganda ang soundtrack ng movie, bagay ang songs sa mga eksena lalo na ’yung kantang Runaway.

Hindi madi-disappoint ang fans nina Marian at Dingdong na matagal naghintay ng kanilang pelikula dahil ginawa lahat ni Direk Mac Alejandre para sila’y masiyahan. Bukas na ang opening nito.

* * *

Ibinalita ni Francis Magalona sa Showbiz Central last Sunday na na-record na nila ni Ely Buendia ang first song collaboration nila.

Kahit nasa hospital for his third chemo session, nagsusulat pa rin si Kiko ng songs for their album na early next year ang release.

In-announce rin ni Francis na kakailanganin niya ang platelets at blood donation and this Tuesday, may bone marrow extraction siya.

May report sa shooting ng Iskul Bukol at ipinakita si Richie D’ Horsie na humingi ng sorry sa lahat ng kanyang nasaktan.

Pati si Vic Sotto naluha sa pagbabalik ng kaibigan. Kulang daw ang pelikula kung wala si “Kabayo. ”

Nag-promote sina Heart Evangelista at Mark Anthony Fernandez at maganda ang advice ng actress sa kanyang leading man sa Luna Mystika na mag-move-on at matutuwa raw ang ama nito kung magiging masaya siya.

Pinakilig naman nina Marian at Dingdong ang fans sa studio sa magkasama nilang interview.

Niregaluhan pala ni Marian ng shorts si Dingdong, pang-asar lang daw dahil bulaklakin ito at sabi ni Dingdong, hindi niya ginagamit.

* * *

Tuloy ang TV5 sa paghahatid ng magagandang pelikula sa 5Max Movies na napapanood Sunday to Monday, 8 p. m.

Today, featured ang Intolerable Cruelty nina George Clooney at Catherine Zeta-Jones at bukas, mapapanood ang Original Sin nina Antonio Banderas at Angelina Jolie.

Naka-line-up sa Thursday ang The Breakfast Club, pang-Friday ang Dante’s Peak at sa Sunday, featured ang Kung Fu Hustle ni Stephen Chow.

Source: People's Tonight