Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Marian at Rhian, nagbeso sa taping

Author: Nitz Miralles

Kinailangang magpagupit at magpaitim ni Rhian Ramos ng buhok para sa role ni Jodi sa Stairway to Heaven. After five years, ngayon lang uli siya nagpagupit at wala siyang regrets dahil magandang project ang kapalit, saka hahaba pa naman ang hair niya, 'no!

Kinakabahan at may pressure kay Rhian kung paano tatanggapin ang tambalan nila ni Dingdong Dantes, pero malaki ang tiwala niya sa ganda ng istorya ng STH.

Mas makaka-relate rin ang viewers dahil mas Pinoy ito, pero 95 percent na ni-retain ang original story.

First time nilang magtatambal ni Dingdong at nagkaka-ilangan pa sila. Si Rhian, pasikut-sikot ang sagot sa tanong kung anong physical attraction ng actor sa kanya at 'di rin nasagot.

Basta, gentleman daw si Dingdong at proud siyang nakapareha ito.

Itinanggi pala ni Rhian ang tsikang nag-isnaban sila ni Marian Rivera sa taping ng Show Me Da Manny nang mag-guest siya.

"Pareho kami ng dressing room, ako ang unang nag-'hi' sa kanya at nag-'hi' rin siya at nag-beso pa kami. Hindi lang kami nakapag-usap dahil madalian ang taping," paglilinaw nito sa isyu.

* * *

MAMAYA sa Adik Sa 'Yo, hindi muna magpapakita si Ruben (Dennis Trillo) kay Karen (Jennica Garcia) para iligtas ito sa kapahamakan.

Uutusan nito si July (John Lapus) na nakikipag-break na siya at nang kumprontahin ng GF, magsisinungaling na 'di niya ito talagang mahal.

Ayaw maniwala ni Joana (Jolina Magdangal) sa sumbong ni Luigi (Joey Marquez) sa mga ginawa ni Madam F (Eugene Domingo) sa kanila.

Naniwala lang ito nang pati sa bangko, pinag-uusapan ang paghihiganti ng ina sa ama at sa kanyang madrasta.

Source: People's Tonight