| | Marian, bagong crush ng anak nina Direk Carlo at Donna Author: Gerry Ocampo Column: Hot Shots HOT SHOTS HINDI sinagot ng executive producer ng My Dad is Better Than Your Dad, ang bagong game show ng Siyete hosted by Paolo Contis, kung totoong unang in-offer kay Vic Sotto ang programa? Sabi ni Paolo, ang importante ay sa kanya ito ipinagkatiwala. Maganda at entertaining ang show. Mag-ama ang contestants, ang bata ay eight to 10 years old ang age limit at hanggang 50 years old naman ang amang puwedeng mag-audition. Inamin ni Paolo na kabado siya sa bagong programa. First time kasi in his career na magiging game show host siya. Wala ba naman siyang balak mag-asawa na rin para matawag na "daddy"? "Dumarating 'yang pag-aasawa, hindi pinaplano, Kapag dumating, di sige, pero right now, hindi pa ako mag-aasawa," say niya. So, malabo pang pakasalan niya ang GF na si EB Babe Lian Paz? Natawa si Pao, sabay sabing huwag nang ungkatin ang tungkol sa pagmamahalan nila. Asked kung masasabi niyang mabuti siyang anak, ang sey ng actor: "Oo! Masasabi kong mabuti akong anak. Masunurin ako sa aking mga magulang, wala akong natatandaang ginawa ko na ikinagalit nila. " Sa Linggo na nga pala, Feb. 8, magsisimula ang MDIBTYD, pagkatapos ng Kap's Amazing Stories ni Sen. Bong Revilla.* * *HINDI na si Katrina Halili ang crush ni CJ Caparas, binatang anak ng mega couple na sina Donna Villa at Carlo Caparas. Nabaling na ang attention nito sa ganda ni Marian Rivera nang makita nang personal ang actress sa presscon ng Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang sa GMA Studio 3 nu'ng isang gabi. "Hindi naman po ako nagka-crush kay Katrina, nagandahan lang po ako sa kanya," say ni CJ. Alam na rin ng binata na may ginagawang istorya ang ama para sa kanya at si Marian daw ang gusto niyang makasama. Sabi naman ni Donna, puwede silang tumuklas ng baguhang makakapareha ni CJ. Dati na nila itong ginagawa sa Golden Lion Films. Samantala, muling napabilib nina Marian at Dingdong Dantes si Direk Carlo sa husay na ipinamalas sa Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang, na magsisimula na sa Feb. 2. "Parang ngayon lang sila nagkasama. Ang galing ni Marian, si Dingdong naman, parang si Eddie Rodriguez umarte. Napakalaki ng improvement ng kanilang acting," say pa ni Direk.* * *PERSONAL: Nagpapasalamat kami sa mabilis na action na ginawa ng aming barangay chairman na si Cesar Lucero nang humingi kami ng tulong para hulihin ang bumasag ng windshield at mga bintana ng aming kotse sa Sisa St. , Sampaloc, Manila. Nakausap namin si P/Supt. Ricardo Layug Jr. , station commander ng Sampaloc police station 4 at agad kaming inasikaso. Ganundin kina SPO3 Severino Sagum, desk officer nu'ng araw na 'yon, at SPO4 Jessie Oliveros, case investigator. Source: People's Tonight |
|