Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Marian bantay-sarado si Dingdong sa shooting

Marian bantay-sarado si Dingdong sa shooting

Author: Tonee Coraza
Column: Whatever

BUMISITA kami sa shooting ng Kimidora ni Eugene Domingo last Sunday at naloka kami sa tumambad sa amin sa indoor swimming pool na set ng pelikula.

Aba, naka-bathing suit si Eugene and in fairness, maputi at makinis ang kanyang balat.

Nagmumura rin ang kanyang boobs.

Lalo kaming naloka nang masilayan na namin ang leading man niya sa movie na si Dingdong Dantes na kasalukuyang nakababad sa pool.

Super-hunky talaga ang dating ni Dingdong kaya naman naglaway-laway nang husto ang beauty ni Eugene.

Laugh kami nang husto nang hindi na makatiis si Eugene at super-dive na rin siya sa pool para sabayan si Dingdong sa pagsu-swimming.

Kasi naman plakda ang pagkaka-dive niya at makikita sa mukha niya na medyo nasaktan siya nang konti at nakainom ng konting tubig sa pool na may chlorine!

May ganoong eksena nang biglang may dumating na bisita sa set.

It was Marian Rivera herself na may dala pang Yellow Cab pizza at pansit for her Papa Dingdong.

Pabiro pa itong nag-dialogue kay Eugene nang: "Nabalitaan ko na kinakalantari mo raw ang Papa ko kaya bigla tuloy akong napahangos dito!"

Tamang-tama naman na nagpatawag ng mini-break si Direk Joyce Bernal kaya nagkaroon ang mag-lovebirds ng ng kanilang "moment. "

Na-concious lang nang konti si Marian nang nakita niya kami.

Anyway, nang nag-resume na ang shooting ay dali-dali na naming kinausap si Marian.

Nagpauna na siya na kesyo nasa area lang naman daw siya ng Timog kaya naisipan niyang bumisita sa shooting ni Dingdong.

Mukhang open na open na yata silang dalawa ni Dingdong pero bakit wala pang direktang pag-amin silang ginagawa sa kanilang relasyon?

"Kasi parang hindi na naman kailangan eh. Kung ano ang nakikita ninyo sa amin ni Dingdong, 'yun na 'yun. Hindi na kami kailangang mag-elaborate pa," tugon ni Marian.

Parehong may extra time ngayon silang dalawa ni Dingdong kasi sa July pa pala siya magsisimula ng Darna na teleserye niya.

Si Dingdong naman ay sa September pa raw sisimulan ang Stairway To Heaven.

Hindi pa raw sila makapagsimula ng Darna dahil wala pa rin daw siyang kontrabida hanggang ngayon.

Nagulat siya nang sinabi namin na kino-consider kuning-kuning na kontrabida niya si Cristine Reyes.

Mas gusto raw niya na si Katrina Halili ang matuloy bilang kontrabida niya dahil may rapport na raw sila ni Kat noong Marimar days pa nila.

Kuwento rin niya, wala pa rin daw leading lady si Dingdong sa Stairway hanggang ngayon at nagulat din siya nang sabihin namin na kino-consider si Jennylyn Mercado bilang kapareha ni Dong.

Sa ngayon daw ay ginagawa muna raw niya ang pelikulang Tarot kasama si Dennis Trillo under Regal Films.

Gusto na raw niyang magsimula ng Darna kasi kung magtatagal daw na hindi siya mapapanood ng tao sa TV ay baka makalimutan na daw siya ng mga ito.

Balik naman tayo sa Kimidora, may cameo role pala si Papa Piolo Pascual sa movie.

Si Piolo rin ang producer ng indie film na ito na nagkakahalaga ng P15M, ayon kay Direk Joyce Bernal.

Twenty-one shooting days din ang target nila for the movie.

Aba, parang mainstream movie na ito considering na ang indie film ng Cinema One Originals ng ABS-CBN ay may budget lang ng P1M per film at ang Sine Direk series naman ng TAPE, Inc. ay P3M ang budget per film.

Mayaman talaga si Papa Piolo!

Aba, ang first indie film niyang Maynila ay ipinalabas pa sa Cannes Filmfest kamakailan lang!

Source: Taliba