|
|
| Marian, bibili ng condoAuthor: Nitz Miralles Kahit fractured ang kanang paa at nahihirapang maglakad, dumating pa rin si Marian Rivera sa launching ng website ng Jag na ini-endorse nila ni Will Devaughn sa Mall of Asia with matching live interactive photo shoot sa mga dumating na fans. Mas free kumilos sa event si Marian dahil hindi na naka-wheelchair at naka-crutches na lang, pero kailangan ng alalay 'pag naglalakad. Ipinagmalaki nitong from wheelchair to crutches hanggang tungkod ay binili ng manager niyang si Popoy Caritativo para hindi siya masyadong mahirapan. Ipinagmalaki nito ang mga litrato nila ni Will na sa Australia pa ginawa ang photo shoot dahil magaganda. After the Jag event, dumiretso si Marian sa Medical City para magpa-check-up at para palitan ang cast ng paa na dahil fiber glass, mas magaan dalhin, pero sabi ng aktres, nahihirapan pa rin siyang umapak. Kagabi, nag-shooting pa siya ng Shake, Rattle & Roll X and this morning, bago umalis, may shooting pa siya ng Desperadas 2 at sa hapon, dadalo siya sa Walk of Fame ni German Moreno sa Eastwood. Sa gabi, sasaglit siya sa presscon ng Desperadas 2 dahil nangakong tatapusin ang trabaho. Hindi nasunod ang plano ng Regal Films na ilapit sa Eastwood ang presscon ng movie para hindi na mahirapan ang aktres. Biniro pala namin si Marian na tiyak nahirapan si Dingdong Dantes nang kargahin niya ito pababa sa hagdan ng Imperial Palace Suites, pero sabi nito, kayang-kaya ng aktor ang 105 lbs. niyang timbang. Hindi naman daw ito nagreklamo habang karga-karga siya sa likod. Nalaman din namin kay Popoy na gustong bumili ni Marian ng condo unit para hindi na ito nagre-rent. Kung 'di sa Mandaluyong, sa Makati area siya bibili, basta malapit sa kanyang manager. Pagbalik nina Marian at Dingdong from their dance concert, sisimulan na ang taping ng bagong soap nilang Ang Babaing Hinu-got Sa Aking Tadyang na sabi'y sa February 2, 2009 ang pilot at sa direksyon ni Joyce Bernal. * * * Mukhang matutuloy na ang movie nina KC Concepcion at Richard Gutierrez sa GMA Films dahil this week na raw ipa-finalize ang lahat. Ka-ilangan na talaga nilang mag-shooting dahil Valentine's Day presentation ang pe-likula at mabuti na lang, mabilis magdirek si Joey Reyes. Save the Best for Last pa rin ang working title ng movie at pinipili na ang makaka-love triangle nina KC at Richard. Sayang at hindi natuloy ang first choice nilang young actress na naging controversial kama-kailan na tiyak kaming marami ang kokontra. Hindi rin pumuwede ang isa pang aktres na kabi-break lang sa dyowa't hindi siya ka-age bracket ng dalawa. Super busy si KC at bukod sa sisimulang movie, kasama rin siya sa musicale na Kathy and Peping opposite Jericho Rosales. Si KC ang lalabas na dalagang si Kathy at sa ligawang stage ng musicale ang participation. Mapapanood ito after the Metro Manila Film Festival Awards Night sa The Tent ng Sofitel Hotel. Kumpirmado ring makaka-partner ni KC sa Basta't Magsasayaw dance number si Gab Valenciano. Musical director si Ryan Cayabyab at director si Freddie Santos. Tuloy na rin ang soap nina KC at Piolo Pascual sa ABS-CBN next year, pero 'di pa raw sure kung Pinoy adaptation ito ng Korean novela na ipinalabas sa network. Basta, maraming aabangan ang fans ni KC this year and next year. * * * Kaya pala walang dialogue sa trailer ng Iskul Bukol: 20 Years After si Ryan Agoncillo ay dahil pipi ang kanyang role. Isa ang mga eksena nila ng child actor na si Robert Villar sa mga nakakatawang eksena ng reunion movie nina Tito, Vic & Joey at honored ang TV host-actor na maging part ng pelikula. Nanghinayang nga si Ryan na hindi nakapunta sa unang presscon ng pelikula dahil nagkataong may taping siya ng Pieta, pero nangakong gagawin ang lahat na makapunta sa next presscon. Gusto nitong ikuwento kung gaano siya kasaya na makaeksena ang idol niyang TVJ na pinapanood niya lang dati. * * * Sa Luna Mystika, maiinis si Celestina (Heart Evangelista) kay Dexter (Mark Anthony Fernandez) at akala'y bad guy ito, pero kikiligin pa rin siya sa kaguwapuhan nito. Mabibighani naman si Libardo (Aljur Abrenica) kay Susing (Jade Lopez). Samantala, pupuntahan ni Dexter si Luna (Heart), pero sasabihin ni Daria na ang dalaga du'n. Magkikita sina Dexter at Luna, pero itatanggi ng dalaga na siya si Luna. * * * Lima na namang magaganda at nakakatawang pelikula ang mapapanood sa 5Max Movies ng TV5 at magsisimula this Monday sa Bewitched nina Nicole Kidman at Will Farrel. Magugulat si Jack Wyatt (Farrell), nang malamang totoong witch si Isabel (Kidman). Sa Wednesday, abangan sina Paul Walker at Jessica Alba sa Into the Blue at sa Thursday, mapapanood ang You Got Served na isang dance movie. Kikiligin at matatawa ang viewers sa Friday movie na Hitch starring Will Smith at sa Saturday, handog ng network ang You, Me and Dupree. Sa Sunday, December 7, wala kayong gagawin kundi tumawa kay Adam Sandler sa Big Daddy kasama ang isang lovable, pero makulit na bata. Lahat nang nabanggit na pelikula ay mapapanood, 9 p. m. sa TV5. * * * Simula this Monday ang one week celebration ng 9th anniversary ng Unang Hirit, ang nangungunang morning show ng GMA-7. May mga exciting pakulo sina Arnold Clavio, Rhea Santos, Suzi Abrera, Lyn Ching, Drew Arellano, Love Anover, Lhar Santiago, Eaglr Riggs, Jolina Magdangal at iba pang kasama sa show. Abangan ang bawat performance ng hosts at hahataw sila ng sayaw. May magical day at birthday celebration pa at walang uuwing walang regalo mula kay Lyn. May Christmas gifts din gaya ng business package, appliances at vacation package. Marami ring big stars at sikat na banda na bibisita sa show, kaya agahan ang gising para hindi mahuli at ng walang ma-miss na kasiyahan. Source: People's Tonight |