Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Marian, deserving matawag na Sexiest Pinay! EB Babes, inagawan ni Asia ng eksena! Cristine, MALAMIG na ang dating!

Marian, deserving matawag na Sexiest Pinay! EB Babes, inagawan ni Asia ng eksena! Cristine, MALAMIG na ang dating!

Author: Ruel Mendoza

NATUPAD ang pangarap ng marami na mapanood si Marian Rivera na rumampa sa runway ng FHM event na tinawag na FHM Underground noong Huwebes nang gabi sa World Trade Center sa Pasay City.

Suot ang pulang body hugging na midriff at skin tights ay sumayaw si Marian na ikinatuwa ng kalalakihan sa audience.

Sinayaw ni Marian ang kanyang signature 'Marimar' dance kunsaan gumiling-giling ito sa entablado na siyang lalong nag-emphasize ng kaseksihan niya.

Deserving si Marian na maging Philippines' Finest at matawag na Sexiest Pinay ng FHM dahil umaapaw ang confidence niya habang rumarampa siya sa mahabang catwalk ng venue.

Bago pa man duma­ting si Marian sa natu­rang event, naging abala siya sa paghahanda sa kanyang paglipad patu­ngong Los Angeles kinabukasan.
“Nakaka-stress pero nag-e-enjoy ako,” ngiti pa ni Marian. “Nangako kasi ako sa mga taga-FHM na darating ako sa event nila dahil malaki ang pasa­salamat ko sa readers ng FHM sa pagboto nila sa akin to be number one.

“Ayokong ma-disappoint sila sakaling hindi ako darating. Ayokong maghintay sila sa wala. Kaya kahit hectic ang taping sked ko for Dyese­bel dahil one week akong mawawala, pumunta pa rin ako sa dance rehear­sal ko for FHM. Kung ano ang pinangako ko, tutuparin ko 'yan.”
Hindi makapaniwala ang ibang kalalakihan sa audience sa ganda ng mukha at katawan ni Marian.

'Yung iba ay first time lang na makita nang malapitan ang tinaguriang Telefantasya Queen.

“First time ko rin kasing gagawa ng ganito. Kinakabahan talaga ako. Pero ito ang trabaho ko at pangako ko ito sa mga sumuporta sa akin sa FHM.
“Para sa kanila itong ginawa ko kaya pagpasensiyahan na lang nila kung may mali akong nagawa sa dance steps o sa paglakad ko sa rampa,” diin pa ni Marian.

Ayon sa editor-in-chief ng FHM na si Allan Madrilejos, inihahanda na nila ang magiging first cover ni Marian for FHM.

May tatlong concept na raw silang ipe-present kay Marian and hopefully ay may magustuhan siya roon sa tatlong naisip nilang bagay na bagay sa kanya.

“We are working side-by-side with her people. Sila naman din ang nakakaalam kung ano ang bagay kay Marian,” sey ni Mr. Allan.
“Syempre open naman kami sa maraming suggestions nila kasi we understand na may mga bawal na gawin si Marian because she's endorsing numerous products.

“Walang problema on our part, kasi, we are willing to work with them para matuloy lang si Marian as our cover girl.”

Inamin ni Mr. Allan na medyo naapektuhan sila sa mga lumabas na protesta ng ibang kampo dahil sa paghirang nila na number one si Marian.
Naglabas ng roper documents ang FHM proving na si Marian ang nagwagi both sa online and text voting.

“First time nagkaroon kami ng ganitong mga usap-usapan which never happens in the many years we have this FHM Sexiest Women in the World.

“That's the world we are living in. You just cannot please anybody. We have all the proper papers to prove that Marian is indeed number one.”***

Tulad last year, no show si Angel Locsin sa big event ng FHM sa World Trade Center.

Nasa ikaapat na posisyon si Angel sa Top 100 ng FHM's Sexiest Women of the World at marami ang umaasa na darating siya sa bonggang event ng FHM na this year.

Nagparating kaagad ng mensahe ang kampo ni Angel na hindi raw ito makakadalo dahil may ibang lakad ito.

Muntik na rin daw na hindi makadalo si Katrina Halili, ang nag-two-time number one sa FHM noong 2006 and 2007. This year ay nasa ikawalang posisyon siya.

Nag-backout ito na mag-perform dahil may biglaang lakad daw ito.

Pero hindi binigo ni Katrina ang kanyang mga supporters dahil rumampa ito kasama ang ilan pang mga napiling FHM 100 girls.

Nag-standout si Katrina dahil suot niya ay sexy na pink dress at simpleng nakalugay lang ang kanyang buhok.

Ang iba pang mga dumating sa event na nagpabongga nang husto ay sila Iwa Moto, Cristine Reyes, Alessandra de Rossi, Asia Agcaoili, LJ Reyes, Ryza Cenon, Jenny Miller, Alyssa Alano, Jamilla Obispo, Wendy Valdez, Niña Jose, Hazel Ann Mendoza, Riza Santos, Precious Adona, Kris Bernal, Rich Asuncion, Renee Summer, Arra Castro, Michaela Espinosa, Kat Alano, Krista Ranillo, Jackie Rice, Luningning, Jaymee Joaquin, Jennifer Lee, Gwen Garci, The Kitty Girls at ang EB Babes.***

Dumating si Cristine Reyes para mag-perform pero 'di na siya lumabas para rumampa kasama ang ibang FHM Top 100 girls.

Nakakapagtaka dahil kung last year ay grabe ang hiyawan kay Cristine dahil sa bongga niyang dance number niya at hinulaan pa na siya ang biggest threat kay Katrina Halili sa number one position, tila nanlaming ang audience na sa kanya.

Noong lumabas sa entablado si Cristine ay wala kaming narinig na hiyawan mula sa crowd.

Kung last year ay mabibingi ka sa sobrang sigawan sa kanya, noong gabing iyon ay parang 'di mo naramdaman ang presence ni Cristine.
As in, wala lang.

Marami tuloy ang nag-isip na baka may kinalaman ang pakikipagrelasyon niya kay Dennis Trillo kaya nanlamig ang mga lalake sa kanya.

Nagmamadaling umalis si Cristine after ng kanyang production number.
Pero hindi pa rin siya nakaligtas sa ibang TV crew na ma-interview siya tungkol kay Dennis.***

As usual ay nang-agaw na naman ng eksena si Asia Agcaoili sa kanyang mga suot habang naghu-host ng event.

Si Asia mismo ang nag-design at nagtahi ng kanyang mga suot.
Nakatatlong palit nga si Asia na pa-daring nang pa-daring ang hitsura.

Sa kanyang pagrampa, isang see-through na lingerie ang kanyang suot pero may takip ang nipple area at ang kanyang bulaklak.

Tumutok sa kanya ang photographers at nakalimutan na ang kasunod niya ay ang EB Babes.

Naagawan ni Asia ng eksena ang naturang grupo.
“Wala naman akong intention to make a scene,” paliwanag ni Asia. “Iyun ang sinabi nila sa akin na gawin ko because they enjoyed the way I host the event.

“Kung ano man 'yung nakita nilang ginawa ko, that's Asia. Iyun talaga ako kaya pasensiya na lang sa mga sinasabi nilang naagawan ko ng eksena.
“Lahat naman kami, we have our own spotlight. Wala akong intention to grab somebody else's scene.”***

Maraming nakakatawang eksenang nangyari sa entablado ng FHM. Una na rito ay ang ibang modelo na pinagtatawanan ng mga photographer dahil may mga depekto sa kanilang mga katawan.

May isang modelo na ang malaki ang tiyan, may isa na may mga stretch marks, may isa na may mga kamot sa puwet, may maitim ang mga singit at may mga awkward maglakad dahil sa suot nila.

May isang modelo na feel na feel maglakad at paalugin ang kanyang mala-grade 2 na boobs.

'Yung ibang modelo ay mukhang mga lala­ke. Tuloy, inakala ng iba na baka Amazing Philippines ang napuntahan nila instead of the FHM event.
May isang modelo naman na muntik nang madapa dahil sa suot niyang lambat. Sumabit ito sa kanyang high heels at pumaikot ito sa kanyang mga paa.

Dahil muntik na siyang mapahiya, tumawa na lang siya at nagdahan-dahan na lumakad paalis ng stage.

Sa dance numbers, pinakanakakatawa ay ang kay Precious Adona dahil parang hindi niya alam ang mga steps ng kanyang sayaw.

Hindi siya makasabay sa dancers. Mukhang hindi siya nag-rehearse at noong gabi lang na iyon nalaman ang steps.

Source: Abante