Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Marian, 'di puwedeng kumain habang may 'Darna'

Marian, 'di puwedeng kumain habang may 'Darna'

Author: Nitz Miralles

Masaya ang darating na Pasko kay Marian Rivera dahil okey ang family niya at ang 'di na lang natutupad ay ang magkita silang mag-ama. Nararamdaman din niyang nag-mature na siya, maayos sila ni Dingdong Dantes at walang bagong intriga sa kanya.

Wala silang problema ni Dingdong, ibig sabihin hindi totoo ang tsikang nagseselos siya kay Rhian Ramos na kapareha ng actor sa Stairway to Heaven?

"Alam ko namang magka-love team sila, ang importante okey kami ni Dong. Nakakatuwa nga dahil domoble ang pag-papakita niya ng care at pag-iintindi sa akin nga-yon," ani Marian.

Very proud si Marian sa achivements ni Ding-dong at mga ginagawa nitong pagtulong sa mga nabiktima ng Bagyong Ondoy at Pepeng na ang rehabilitation naman ng mga nasirang eskwelahan at gamit sa eskwela ang binibigyan ng pansin, kaya suportado niya ito.

Samantala, excited na si Marian sa pagpasok ni Katrina Halili sa Darna para gampanan ang isang importanteng role sa series. Nangako kami na hindi muna isusulat ang gagampanan nitong role, pero kahit ang viewers ay magugulat.

Maganda raw ibalik ang team-up nila ni Katrina na unang napanood sa Marimar and this time, tinitiyak ni Marian na wala nang intriga sa kanilang dalawa at pareho silang magtatrabaho.

"After Darna, gusto ko naman ng rom-com series para makapahinga muna ako sa fight scene at sa pagsusuot ng costumes. Gusto ko ng something light na project para magpataba ako dahil habang may Darna, hindi ako puwedeng kumain ng marami at magkaka-bilbil ako. "

Lagi nga raw siyang sinasabihan ni Dingdong na kumain na hindi niya magawa at takot tumaba. At least, nakapagpahinga ang dalawa dahil sa trip nila sa Singapore at Malaysia para sa Dyesebel.

Source: People's Tonight