Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Marian, excited magsuot ng 'Darna' costume

Author: Nitz Miralles

Rumampa si Marian Rivera sa Black Magic Denim Show ng Jag na kanyang ini-endorse kasama si Will Devaughn. Ginawa ang fashion show sa main atrium ng MOA last Friday at dinaluhan ng mga fashionista, press people at fans.

Nagmo-model na pala ang actress dati pa, kaya binalikan lang daw niya ang dati niyang trabaho bago pa siya nag-showbis.

Masaya palang ibi-nalita ni Marian na tuluy-tuloy ang training niya para sa Darna at nagagawa na niya ang moves ni Darna at nakakalipad na siya. Nadinig niyang si Mark Anthony Fernandez ang makakapareha niya na welcome sa kanya.

Ano ang feeling niya nang isuot ang Darna costume at paki-describe ng costume?

"Ay, maganda siya, kakaiba, pero hanggang tuhod ang boots ko. Iba ang feeling nang suot ko ang costume at headdress palang, excited na ako. Sana ako ang sumigaw ng Darna," wish ni Marian.

Tukso ang inabot ni Marian sa sagot na "luma na 'yan, ang bago ngayon ay si Dingdong Dantes," sa sabi ng press na baka ma-link sila ni Mark Herras na kasama rin daw sa Darna.

Tungkol naman sa pagpapa-tattoo ni Dingdong Dantes ng initial "MGD" o Marian Gracia (real name niya) Dantes, sabi ni Marian, irespeto na lang ang actor kung ayaw magsalita.

Nang usisain ng press kung may tattoo rin siya at kung saang parte ng katawan niya nakalagay, ang sabi'y "akin na lang 'yun, secret at 'di ninyo makikita 'pag naka-costume ako ng Darna. Bilang tao, irespeto natin anuman ang meaning ng tattoo ni Dingdong at kung ano ang personal reason na ginawa niya 'yun," pakiusap ni Marian.

* * *

Wala pa kaming naka-kausap na taga-GMA-7 at kahit si Yasmien Kurdi, hindi na uli na-interview ng entertainment press tungkol sa kaso niya kay Baron Geisler.

Pero, may balitang mag-i-issue na sana ng official statement ang Kapuso network bilang suporta kay Yasmien, pero hindi itinuloy dahil naba-litaang may lalabas na statement ang lawyer ng actress na ginigipit daw ang kanyang kliyente ng network.

Iba't iba ang reaction ng friends ni Yasmien sa kaso nila ni Baron at nag-agree silang hindi papayag ang dalaga na maagrabyado. Pasalamat daw ang actor na hindi siya inumbag ng todo-todo ni Yasmien.

Samantala, sa part three ng Madrasta episode ng Dear Friend, kahit inaaway ni Shiela (Yasmien) si Gellie (Iwa Moto), nangibabaw ang pag-iibigan nito at ng kanyang amang si Arnold (Gary Estrada) at tuloy ang kasal ng dalawa.

Kaya lang, kahit opisyal nang parte ng kanilang pamilya, wala pa ring respeto si Shiela kay Gellie. Hindi ba talaga matatanggap ni Shiela ang madrastang si Gellie? Malalaman ang sagot mamaya sa Dear Friend sa direction ni Jay Altarejos.

* * *

Masaya si Chynna Ortaleza sa magandang review sa pagganap niyang kontrabida sa Paano Ba Ang Mangarap? na nanggugulo kina Jennylyn Mercado at Mark Herras at okey lang sa kanya kung contravida role uli ang ibibigay sa kanya.

Alam naman daw ng viewers na acting lang ang ginagawa niya at next week, malalaman na ang mangyayari sa karakter niyang si Maya.

Hindi masabi ni Chynna kung dahil sa takot kay Direk Joel Lamangan kaya ginagalingan niya ang acting niya. Ayaw na raw niyang maulit ang nangyari sa Obra noon na sinigawan siya ng director dahil kulang ang emotion niya. Akala raw niya, maha-heart attack siya habang sini-shake siya ni direk.

"Sa Paano..., handa talaga ako at nakatulong na nag-workshop ako sa kanya rin. Ang dami kong natutunan na magagamit ko sa future projects ko," wika ni Chynna.

Going strong pa rin ang relasyon nina Chynna at Railey Valeroso at suportado nito ang desisyon ng nobyo na magpa-sexy. Nagwo-workout daw si Railey, maganda na ang katawan at okey sa kanya kung maging underwear model ito.

* * *

Pamangkin ni Joanne Loranzano si Guji Lorenzana, isa sa bagong member ng Star Magic. Birthday niya noong May 11, at wish niyang gumanda pa ang takbo ng kanyang career, rason para umuwi siya ng Pilipinas.

Napapanood siya sa mga TVC ng Globe, Clusivol, Jollibee at Fundador at malapit nang maging regular sa ASAP dahil ilo-launch ang grupo nilang Voizboys kasama sina Ronnie Liang, Jay-R Siaboc, Nico Antonio at siya nga. Nakagawa na siya ng dalawang album, pero aminadong mahina ang airplay. Isa sa kanta niya sa album, ang Pagkakataon ay gagamiting theme song ng episode niya sa Bud Brothers

Umuwi ng 'Pinas si Guji to be a singer, pero pinasok na rin ang acting nang sabihin sa kanyang kailangan niya ng exposure sa TV. Tapos siya ng Rhetoric Communications sa University of California Davies College at bukod sa showbis, DJ rin siya sa Mellow Touch.

* * *

Nasa Thimphu, Kingdom of Bhutan kamakailan si Sen. Loren Legarda dahil siya ang keynote speaker on the Workshop on Disaster Risk Reduction at nagsalita siya sa harap ng Ministers, Parliamentarians at high level government and UN officials in Bhutan in her capacity as Asia Pacific Regional Champion for Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation.

Nakipagkita rin siya kay Prime Minister Jignily Thinley of the Kingdom of Bhutan at pinag-usapan nila ang importance ng Disaster Risk Management sa Bhutan.

Source: People's Tonight