Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Marian, 'first lady' ng charity works ni Dingdong

Author: Chan-Chan Torres
Column: Eksenadora

PINABULAANAN ni Marian Rivera ang isyung nagli-live in na sila ni Dingdong Dantes.

Sa panayam ng Star Talk sa Kapuso star, diretsahang sinabi ni Marian na hindi totoong nagsasama na sila ni Dong.

May kani-kanyang bahay naman daw sila at malabong mag-live in sila.
"Kahit ano' ng mangyari, mas gusto ko pa rin 'yong kasal muna bago kami magsama," pahayag ng aktres.

Sa hiwalay na panayam, sinagot naman ni Dingdong ang intrigang mukhang si Marian na nga ang mas paborito ng pamilya niya kumpara sa lahat ng babaing naging bahagi ng buhay niya.

Sabi ng aktor, ayaw niyang bigyan ng ibang kahulugan ang nakikita niyang mga kilos ng kanyang pamilya sa pakikitungo kay Marian.

Mas mabuti pa raw kung sila na mismo ang magsasabi kung ano talaga ang nararamdaman nila for Marian.

Ang tanging nasabi ni Dong, masaya siya sa piling ni Marian at sobrang alaga raw siya ng aktres.

Sabagay, unfair nga naman kung magsasalita pa si Dong about this, lalo'pa't hindi maiiwasang mabanggit ang mga babaing naging bahagi rin ng buhay niya.

Tama nang malaman ng mga sumusuporta sa kanila na si Marian ang pinakamalapit sa pamilya ni Dingdong ngayon.

Gusto rin daw ni Dingdong na maging mas aware si Marian sa kanyang civic at social activities.

Nabanggit ng aktor na may bago siyang proyekto, isang charity work para sa mga kabataan.

"Gusto kong naroon si Marian on the day na ila-launch ko ang project na ito," aniya.

Dagdag pa ng aktor, ito ay hindi lang para ma-inspire siya kundi para na rin maging mas aware si Marian sa mga batang gustong suportahan din ni Dingdong.

So, parang "first lady" ang dating ng aktres, if ever.

Si Marian din ang napi-ling partner ng gagawing sitcom ni Manny Pacquiao sa GMA-7.

Sa tanong kung baka pagselosan siya ng asawa ni Manny na Jingkee?

Sinabi ni Marian na walang dapat ipagselos kung sakali si Jinkee dahil malaki raw ang respeto niya sa mag-asawa at may nagmamay-ari na raw sa puso ng aktres.

Naka-lock na raw ito at na kay Dingdong ang susi.

Ang sweet naman.

* * *

PUMAYAT ngayon si Aaron Villena, hindi dahil sa mga intriga sa kanya, kundi dahil nagdi-gym at diet daw ang aktor.

Pero, hindi pa raw siya kuntento sa na-achieve ni-yang kapayatan, mas gusto pa niyang bawasan ang konting fats sa bandang tiyan niya para sexy lalo tingnan.

Inspirado nga ba ang aktor ngayon? Diumano'y may namumuong relasyon sa pagitan nila ng kontrobersyal na baguhang si Maricar Reyes.

Wala raw. Pinabulaanan din ng binata ang isyung nakita silang magka-date ni Maricar sa isang mamahaling hotel. Aniya, nagkaya-ya-an silang lumabas minsan, pero hindi raw talaga 'yon formal date.

"Magkasama lang kami sa Bud Brothers, pero hindi totoong nagdi-date at may relasyon kami," diretsang sagot ni Aaron.

Kahit hindi aminin ni Aaron, kitang-kita sa mga mata ng aktor na talagang may kakaibang pagtingin siya kay Maricar.

Kaya tinanong na rin namin siya kung ano ang totoong damdamin niya para sa dalaga.

Inamin naman niyang may pagtingin siya sa baguhang aktres.

"Crush ko siya. Bu-kod sa maganda si Mari-car, ang bait pa talaga niya. Nawala siya sa Bud Brothers for a while, pero ngayon bumalik na siya, nag-ta-ping na siya kahapon. Nag-kikita na ulit kami," kuwento pa ni Aaron habang may kakaibang glow sa mga mata kapag si Maricar ang topic.

Tulad ng marami, aware din si Aaron sa kontrobersiyang kinasangkutan ni Maricar at aminado si Aa-ron, napanood niya ang sex video, pero iginiit nitong hindi nagbago ang pagtingin niya sa aktres.

"Saka, past is past din naman, 'di ba? Normal ding ginagawa ng couples 'yong ginawa nila, dahil sila nga ni Hayden (Kho)at that time. Nagkataon lang na naglagay ng hidden camera itong si Hayden. "

Mag-asawa ang karakter na ginagampanan nina Maricar at Aaron sa Bud Brothers.

Hiling ni Aaron na saka-ling magkaroon ng bagong project ay makasama ulit si Maricar.

Posible bang ma-in love siya kay Maricar?

"Oo naman!" mabilis na sagot ng ni Aaron.

Source: Taliba