Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Marian, gigiling nang naka-wheelchair!

Marian, gigiling nang naka-wheelchair!

Author: Abante

PINAKAHULING dumating si Ma­rian Rivera sa ginanap na parade para sa Walk Of Fame sa East Wood City na siyempre pa ay sa pamumuno ni German Moreno.

Naka-cast pa rin ang paa ni Marian at may saklay lang ito nang dumating sa natu­rang lugar.

Obviously, nanggaling pa sa isang commitment si Marian bago nag-attend sa Walk of Fame, na kung saan ay isa siya sa binigyan na ng star.

After ni Dingdong Dantes na may flight pa­puntang Los Angeles kaya nagmamadali nang umalis, sumunod na rin si Marian na may press conference naman for Desperadas 2.

Wala raw siyang idea kung ano ang gagawin niya bago ang kanilang parade, pero, excited daw siyang makita ang star niya. Lalo pa nang may magsabing kahanay na niya ang ibang beteranong artista.

“Palagi ko ngang sinasabi, isang malaking kara­ngalan sa akin ito. At nakakataba ng puso at kahit sino naman siguro na mapasali rito ay magiging masaya rin sila ng sobra-sobra,” panimulang sabi ni Ma­rian.

Kahapon naman, December 2 lumipad si Ma­rian kasama ang kanyang manager na si Popoy Ca­ritativo para sa kanilang Let's Celebrate Concert sa Los Angeles.

At dahil obvious na naka-cast pa rin siya at hindi pa naiaapak ang kanyang kaliwang paa. May plano na ba kung paano siya makakapagsayaw sa concert nila ni Dingdong sa L.A?

“Actually, maraming pagbabago doon sa program na gagawin. Tuloy pa rin. Actually, alam ko na may sayaw pa rin ako, pero ang alam ko, naka-wheelchair lahat ng dan­cer. Parang ganoon ang concept.

“Siyempre, gagawan pa rin namin ng paraan para mabigyan kasiyahan ang lahat ng tao roon na naghihintay sa amin ni Dingdong.”

Natawa rin at tila na-excite rin si Marian sa ideya na naka-wheelchair siyang gumigiling-giling. Katwiran niya, paa lang naman daw niya ang naka-cast at may kamay pa naman daw siya, huh!

Ayaw pa raw ipatanggal ng doctor niya ang cast niya.

“Mahirap eh, ayaw ng doctor. Baka kung tatanggalin daw, mas lalong magkaroon ng diprensiya. So, mas mabuting ganito na lang muna.

Hopefully, pag-uwi ko, baka naman puwede na siyang tanggalin.”

Hindi sila magkasabay ni Dingdong na lumipad pa-L.A. Pero malamang daw na sabay na sila pauwi. Sa manager na ni Marian namin nalaman na kung si Dingdong ay magpa-Pacquiao pa sa Las Vegas, sila naman daw ni Marian ay magpa-pakyaw rin sa pagsa-shopping sa L.A.

Source: Abante