Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Marian gusto nang tapusin ang intriga kay Dingdong Dantes

Author: Noel Asiñas
Column: Cut!

HULING pagtatambal na nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang soap na Babaing Hinu-got Sa Aking Tadyang na mapapanood na on Feb. 2009 sa GMA-7 eve-ning primetime.

Kasi, ayon kay Ma-rian, handa na siyang tumanggap ng bagong lea-ding man mula sa ibang talents ng GMA-7 at Ar-tist Center . Gusto na raw niyang matapos ang intriga sa kanila ni Dingdong.

Ani Marian: "Ilang beses ko bang uulit-uli-tin na wala akong kare-lasyon ngayon. Hindi kami nagbabalikan ng ex-bf ko. Lalong wala kami ni Dingdong. "

Nang huli naming nakausap si Marian, nasabi niyang ibig na niyang mag-move on sa mga intrigang ipinupukol sa kanya. Ayaw na niyang pansinin ito dahil wala namang katotohanan. Basta ang laging niyang dialogue ay totoong tao siya at hindi plastikada.

Kasalukuyang ipinapalabas ang movie ni-yang Desperadas 2 with love interest Will De-vaugh.

Masaya raw si Ma-rian sa pakikipag-partner kay Will dahil naging close na sila sa ikalawang pagkakataong pagsasama nila sa pelikula.

Magkasama pa rin sila bilang endorsers ng Jag Black. Pero hanggang friends lang daw sila ni Will.

* * *

SALUDO kami kay Heart Evangelista dahil maganda ang resulta sa ratings game ng soap niyang Luna Mystika kung saan may double character siya.

Ang ratings ng Luna Mystika ay hindi nawa-wala sa No. 1 primetime program ng Kapuso. Nakaabot ito ng highest na more than 40 percent ra-ting.

Ang production ng Luna Mystika ay 'di man lang tinitipid. On location lagi sila sa Morong, Bataan at kung minsan ay sa Subic pa.

'Di mabigat dalhin ang istorya ng Luna Mystika. Pati bata ay naa-appreciate ito dahil may mga magic at engkanto effects na ipinapakita. Leading man ni Heart sa LM si Mark Anthony Fernandez.

* * *

NAAASIKASO nang husto ni Richard Gutierrez ang second movie nila ni KC Concepcion na pang-Valentine's Day offering ng GMA Films. Kasi, hindi pa kasagsagan ng taping ng Zorro ni Richard na ipapalabas sa GMA-7 middle of next year. Tanging ang show na pinagkakaaba-lahan ng actor ngayon ay ang infortainment na Full Force Nature na ipinapalabas after Telebabad tuwing Tuesday night.

Balita namin sa production, nagsisimula pa lang ngayon si Richard na mag-training ng fen-cing at horseback riding.

Excited na naman si Richard dahil sa Zorro. Lalo pa't balita namin ay may makakasama si-yang international celebrity rito.

* * *

HINDI lang pala hanggang second season ng Family Feud ang pana-naw ni Richard Gomez sa show.

Bagkus beyond pa, at alam niyang magtatagal ang Family Feud for another two seasons.

Kasi ba naman maganda ang response ng tao sa programang ito. Bukod pa nga sa na-extend ang show ng one day.

May Sunday celebrity edition pang mapapanood ang mga tagasubaybay nito.

Source: Taliba