|
|
| Marian gustong magkaanak ng 12 kay DingdongAuthor: Noel Asiñas AYON sa tarot card puedeng si Dingdong Dantes na ang mapangasawa ni Marian Rivera. Pero sa ngayon ay hindi pa handang mag-asawa si Marian sa sobrang dami ng commitments sa showbiz. Ayon sa no. 1 superstar ng GMA-7, gusto niyang makasal sa edad na 29. Baka daw kasi pag 30 na siya nag-asawa ay mahirapan na siyang manganak. Eh, gusto pa naman niya ng 12 na anak, kasi nga nag-iisang anak lang siya. Tungkol sa lovelife ay sinabi niyang sobra-sobra ang kanyang natatamasang pagmamahal ngayon. Super-saya din si Marian ngayon dahil sa umabot na sa above 47 ang rating ng telefantasiya niyang Darna. Tapos, may super-lakas din comedy show siya, ang Show Me Da Manny, na napanood kagabi . Kasama niya siyempre ang pound for pound king ng boxing na si Manny Pacquiao. Sa Wednesday ay showing na ang movie niyang Tarot, kasama sina Dennis Trillo at Roxanne Guinoo. Inaasahang another blockbuster movie ang Tarot, ng Regal Films Dati ay hindi daw naniniwala si Marian sa tarot cards, pero ng bigyan siya ng tarot reading sapresscon ng Tarot sa Imperial Palace ni Mother Lily Monteverde, ay naniwala na siya. Ang hindi lang nagustuhan na hula kay Marian ay pinag-iingat siyang mag-travel. Naka-schedule pa naman siya this week for Japan para sa series of shows ng GMA-7 doon. Ngayong gabi ang premiere night ng Tarot sa SM Megamall at showing na sa Miyerkules. * * * NANG nakausap namin si Noel Ferrer, isa sa mga namamahala ng career ni Chris Tiu, nasabi nitong dapat magi-guest si Chris sa soap nina Aljur Abrenica at Kris Bernal sa All My Life. Ang siste, hindi pumuwede ang super-busy schedule ni Chris. Isa kasi si Chris na member ng Philippine Basketball team na maglalaro sa abroad kaya panay ang practice. Pero ngayong gabi ay mapapanood sa Ripley's Believe It or Not si Chris. Ilang shows na ang nagpalit-palit sa "Bilib Ka Ba Nights," pero ang show ni Chris ay hindi natitinag dahil mataas ang ratings. Mapapanood ang Ripley's pagkatapos ng Cruel Love. * * * MARAMI na talagang naadik sa panonood ng Adik Sa Yo. Habang tumatagal kasi ang show, lalong gumaganda ang istorya at kulitan ng mga character. Unexpected ang nangyayari sa buhay-buhay ng mga ito dahil ang mayaman ay naghirap, at ang mahirap ay yumaman naman. Unexpected din ang mangyayari this week dahil muling magseselos si Ruben (Dennis Trillo) kay Karen (Jennica Garcia). Akala natin ay mahuhulog na talaga ang loob ni Ruben kay Camille (Paulene Luna), 'yun pala'y pansamantala lang. May lalaking liligaw kay Karen na ikai-insecure ng binata. Tutulungan ni Madam F (Eugene Domingo) si Karen, gagawin niya itong assistant. Hindi na siya magiging katulong sa kanyang bahay at gaganda na ang buhay ni ya. * * * SA Hole In The Wall, tuloy ang kulitan nina Angelina at Yaya. Ibang gimmick naman ang ipinakikita ng dalawa. Tuwing Miyerkules at Huwebes ay abangan ang celebrities na walang takot na magpapahulog sa pool pero baka suwerte namang maiuwi ang jackpot prize. * * * Sunud-sunod ang special episodes ng TV5 sa kanilang shows ngayong August. Dahil happy one year celebration ng station, at matapos mangapit-bahay nina Lucy Torres-Gomez at Ryan Agoncillo sa Shall We Dance and Talentadong Pinoy, si Joey de Leon naman ang magpapa-init sa hot seat at haharap sa kumpare niyang si Bossing Vic last Saturday sa Who Wants to be a Millionaire? Kaya tutok na sa TV5. Source: Taliba |