|
|
| Marian, hihiramin ni Robin kay DingdongAuthor: Nitz Miralles Bumisita kami sa taping ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang sa safe house scene na kinunan sa isang dini-develop na resort sa Baras, Rizal. Mahirap ang mga eksenang kinunan ni Direk Joyce Bernal, bukod sa malayo ang location. Isusunod ang nakakikilig na scenes ng dalawa na kukunan sa beach na hinahanap pa. Abangan din ang eksenang bubugbugin ni Homer (Dingdong Dantes) si Proserfina (Marian Rivera) sa utos ni Rado (Paolo Contis). "Exclusively dating" ang status ng relationship nina Marian at Dingdong, mas open na ring lumabas ang magka-love team sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang at mahilig silang kumain sa labas at manood ng sine. Isa sa ikinagusto ng dalawa sa Ang Babaeng..., ay napatunayan nilang kaya na nila sa matured roles at kayang pagsabayin ang mag-action, mag-drama at magpa-sexy (sa kaso ni Marian). Kung dati'y 'di siya komportableng mag-shorts, dito kailangan niyang mag-shorts. Pinag-react namin sina Marian at Dingdong sa nabanggit ni Robin Padilla na gusto niyang makatrabaho ang actress. Sabi ni Marian, wala siyang karapatang tumaggi sa project na ibibigay ng GMA-7 at okey sa kanyang makasama si Robin. "Astig" ang tingin niya kay Robin na nagpakilala nang una silang magkita. Ikinatuwa ni Marian ang sagot ni Dingdong na kung siya si Robin, ang ka-love team din ang pipiliin niyang makapareha. Nine weeks pa ang itatakbo ng Ang Babaeng...at marami pang pahirap na mangyayari kina Marian at Dingdong, at the same time, looking forward na rin ang dalaga sa next project niya na pambata uli. Hindi lang niya alam kung si Dingdong pa rin ang makakasama, pero sa closeness nila, kahit paghiwalayin pa sila'y 'di na mababago ang nabuo nilang relasyon. Samantala, masaya si Marian na tapos na ang 12-door apartment na ipinatayo niya sa Bacoor, Cavite at pinangalanan niyang La Buena Casa o masuwerteng bahay. Malapit na rin siyang lumipat sa nabiling condo unit sa may Makati area. * * * Kahit walang party sa birthday niya last March 2, masaya pa rin si Na-dine Samonte dahil naging makabuluhan ang kaa-rawan niya. Bumisita siya sa Children's Joy Foundation noong Mar. 9, namigay siya ng regalo at dinalhan ng pagkain ang mga bata. Sinamahan ang actress ng mga taga-GMA Artist Center. Speaking of GMAAC, ipinaalam nilang open na ang registration para sa Talent Development Summer Workshop, Mondays to Fridays, 10 a. m. to 5 p. m. , sa GMAAC office. Courses offered are Film & TV Production, Photography, Acting, Dance and Singing, Magdala ng two pieces 1x1 picture, one 2x2 picture and one 4R full body picture (not applicable for Film & TV workshoppers) and Valid IDs. * * * Sa mga gustong makita ang bagong bahay ni Jericho Rosales, panoorin ninyo ang music video niya ng 'Di Bale Na Lang, ang version niya sa Gary Valenciano hit. Maganda ang bahay na concept mismo ng actor at akala nami'y, minimalist ang design dahil kokonti ang gamit, 'yun pala'y hindi pa nakakabili ng mga gamit ang actor sa sobrang kabisihan. Kasama ni Jericho sa music video ang ex niyang si Kristine Hermosa at bale, teaser na rin ang pagsasama nila sa mtv sa balik-tambalan nila sa isang soap ng ABS-CBN. Baka raw palitan ang title nitong Ikaw Lamang dahil Tagalog version lang ito ng Only You na gagawin nina Angel Locsin, Sam Milby at Diether Ocampo. * * * Busy ang schedule ni Rhian Ramos sa sunud-sunod na trabaho. Mamayang gabi, nasa presscon siya ng Zorro dahil isa siya sa three leading ladies ni Richard Gutierrez at ginagampanan ang role ni Lolita. Bukas, nasa premiere night naman siya ng Sundo, ang action-horror movie ng GMA Films na pinag-bibidahan ni Robin Padilla. "Masaya talaga ako na 'di ako nawawalan ng project. Excited ako sa Zorro dahil iba siya. May fight scene rin ako rito at kailangan kong mag-aral ng fencing. Ang nakakatuwa, naka-costume akong nakikipag-laban, ang init, pero masaya't katrabaho ko uli si Richard. " "Of course, happy din akong napasama sa Sundo dahil kay Robin. I'm honored to be working with him, wala siyang kayabang-yabang kahit sikat. Sa kanya ko natutunan na kahit pagod ka, 'wag ipakita sa harap ng fans at dapat magpasalamat pa. " Sa March 18, na ang showing ng Sundo na mula sa direksyon ni Topel Lee at sa script ni Aloy Adlawan. * * * Sa All About Eve, inuwi ni Frederico (Richard Gomez) si Erika (Sunshine Dizon) sa bahay nila, winelcome siya ni Nicole (Iza Calzado), pero si Alma (Eula Valdez) ay galit. Si Warren (Alfred Vargas) ay naalala si Erika noong bata pa at 'di nito maitago ang paghanga sa dalaga. 'Di gusto ni Alma ang pag-ampon kay Erika at lalong hindi niya niya ito nagustuhan nang mahuli si Erika sa kuwarto ni Nicole at suot ang gown ni Nicole at galit na ipinahubad ang gown at nilait pa si Nicole. Magkukrus ang daan nina Erika, Max (Gabby Eigenmann) at Kenneth (Mark Anthony Fernandez) nang mapadaan si Kenneth habang sinasaktan ni Max si Erika na nakipag-break sa dalaga. Source: People's Tonight |