|
|
| Marian, hindi magsasawa kay Dingdong! “Habang tumatagal, lalong sumasarap!”![]() Author: Abante Idinepensa ni Marian Rivera ang obserbasyon ng marami na sanay na sanay na sila ni Dingdong Dantes na naghahalikan. “Hindi naman! Siguro, dahil lang may tiwala na talaga kami sa isa't isa ni Dingdong. At saka, matagal na kasi kaming magkasama at kumportable na kami maging sa director namin na si Direk Joyce Bernal at siya ang nagsasabi sa amin ng mga gagawin naming,” sabi ni Marian. Sabi nga, magsyota na sila ni Dingdong, kaya natural na lang sa kanila ang halikan. “Hindi po. Palagi kong sinasabi na kami ni Dingdong, aminado kaming palagi kaming magkasama. Lumalabas kaming magkasama. Kumakain kami sa labas. Araw-araw kami ang magkasama dahil may taping kami. Kapag wala naman kaming taping or promo, nagkaka-textan din. O, kumusta ka na? Nagugutom ako, kain tayo, 'yung ganoon. “At saka, palagi ko namang sinasabi, wala naman akong nakikitang masama roon. Unang-una, parehas naman kaming single ni Dong.” “Sa ngayon, ang priority namin ni Dingdong ay itong Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Nakakalabas naman kaming magkasama. So, wala kaming nakikitang dahilan para madaliin ito. As in, wala. Ini-enjoy lang namin kung anuman ang meron kami ngayon.” Bakit nga ba sangkatutak ang halikan nila ni Dingdong? “Ha! Ha! Ha!” reaksiyon ni Marian. “Eh, nasa GMA management naman 'yan.” Matsa-challenge ba siya kung sakaling bigyan siya ng bagong kapareha? “Ay siyempre, panibagong pakikisama na naman. Panibagong pagbubuo na naman ng tiwala sa isa't isa.” Anyway, tawa nang tawa si Marian nu'ng sabihin namin sa kanya na ikinumpara siya ni Dingdong sa lechong paksiw at sa cake na chocolate mouse na nabibili sa Goldilocks. Para kay Dingdong, ang lechong paksiw raw, kahit may taba o wala, masarap pa rin. At ang chocolate mouse na cake raw, 'yon ang favorite flavor ni Dingdong. Eh para sa kanya, saang pagkain naman niya maikukumpara si Dingdong? “Saan ba? Sa sinigang! Kasi, ang sinigang, habang tumatagal at nilalagay mo sa ref at iniinit mo, mas lalong sumasarap! Ha! Ha! Ha!” So, ganoon si Dingdong? “Hindi sa sarap ha! Ha! Ha! Ha!” Eh sa desserts? “Ah, chocolate cake! Kasi, ang chocolate cake never akong nagsasawa.” So, never siyang magsasawa kay Dingdong? “Never!” mariin niyang sagot. Tuloy, tinanong namin si Marian, kung sakali kaya at hindi na sila ni Dingdong ang magka-loveteam, tuluy-tuloy pa rin kaya kung anumang bonding meron sila ngayon? “Siguro naman kasi iba na ang bonding namin. Kumbaga, eh, nandoon na 'yun. Kumbaga sa puno, may mga ugat na siya na hindi mo basta mauuga!” sagot na lang ni Marian. Source: Abante |