|
|
| Marian, hindi nagba-braAuthor: Nel Alejandrino ISANG senior actress ang nagpapatunay na mabait na bata talaga si Marian Rivera. "Laking lola kasi," aniya pa. Nakasama raw niya si Marian sa panghapong teleseryeng Agawin Mo Man ang Lahat sa Akin. Dahil madalas silang magka-eksena, naging very close sila sa isa't isa to the point na kung ituring siya nito ay parang ina na. "'Nay" nga raw ang tawag sa kanya ni Marian hanggang ngayon. "Isa pang nanay-nanayan niya ay si Rita Avila," tukoy pa ng senior star. Saksi raw siya kung paano nito iniyakan ang write-ups na nag-walk-out siya matapos ang isang eksena sa isang teleserye, kung saan totoong nasaktan si Marian habang "ginugulpi" ng isang ka-eksena. By then daw kasi, maga na ang nguso ng dalaga sa malakas na sampal na pinakawalan ng ka-eksena. Natutuwa raw siya at natupad ang pangarap nitong magkaroon ng programang pang-primetime. "Very prayerful ang batang iyan," anang aming kausap. "Every Wednesday, she makes it a point na tumungong Baclaran. " Nang mapunta raw ang MariMar kay Marian, she sent her a congratulatory text message. "Hanggang ngayon, 'di pa rin siya nakalilimot," pahayag pa ng senior aktres. "Nang finally ibinigay sa kanya ng GMA-7 ang Dyesebel, isa ako sa mga unang binalitaan niya. I'm just so happy for her. " * * * UNLESS necessary, hindi raw talaga nagsusuot ng bra si Marian. Mas madalas siyang gumamit ng nipples cap, kahit manipis pa ang kanyang suot. Kaya, kapani-paniwala raw ang sabi nitong she will go topless in Dyesebel. Right now, extensive na ang swimming lessons na ina-undergo ni Marian. She was told frankly and honestly kasi by Direk Joyce Bernal na 'di siya nito papayagang gumamit ng double, even in her (Marian) most difficult underwater scenes. Dingdong Dantes, who will play Fredo, is also taking up swimming lessons. Aba, kay dami-rami rin niyang underwater scenes. * * * NAKU, Ian F. , kelan kaya tuluyang maa-annull ang marriage ni Vhong Navarro kay Bianca Lapus, nang sa ganu'n naman, maging fair siya sa babaing nali-link sa kanya? Ngayon kasi, ang palagi na lang niyang katuwiran tuwing tinatanong siya about his lovelife ay "nasa process of annulment pa ang marriage ko. " Aba, 'di ba, Ian F. , 'di naman itinatago ni Bianca na mayroon na siyang bagong baby with the new man in her life? Her son with Vhong, Isiah, is almost eight years old now. How time flies! Since Vhong has an almost 10-year-old son (with another woman), at home na at home siya sa kanyang role bilang ama-amahan ni Makisig Morales, 11, sa Supah Papalicious, offering ng Star Cinema sa March 22. Pabirong sinabi ni Vhong na niligawan niya ang 19-year-old na si Valerie Concepcion, who play's Makisig single mom, para pumayag itong maging leading lady niya sa Supah Papalicious. Ang dalawang celebrities na dating na-link kay Vhong ay sina Diana Zubiri at Desiree del Valle. Source: People's Tonight |