Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Marian, inisnab ng 'US Girls'!

Author: Dondon Sermino

PANGUNGUNA­HAN ng 'US Girls' na sina Angel Aquino, Megan Young at Iya Villania ang pagbibigay ng parangal sa mga hari at reyna sa mundo ng fashion (kasama na ang mga biga­ting artista, modelo, stylists, at make-up artists).

Gaganapin ang pagbibigay para­ngal na tinawag nilang US Girls August Awards sa Agosto 20 sa New Eastwood, Libis, QC.

Apat na kategor­ya ang pararangalan nila. At sa una­ng kategorya na Face of the Year award, maglalaban-laban sina Claudine Barretto, Kim Chiu, Anne Curtis, Carla Abellana, Nikki Gil, Kristine Hermosa, Angel Locsin, Cristine Reyes, Maja Salvador at Isabelle Daza (anak ni Gloria Diaz).

Siyempre, may mga nagulat na hindi kasali sa mga nominado si Marian Rivera. At esplika ng staff ng US Girls, pumasok ang pangalan ni Marian sa simula, pero nu'ng kailangan na nilang salain sa sampu ang mga nominado, nawala ang pa­ngalan ni Marian.

Kumbaga, sa deliberation na ginawa nila ay hindi na nakapasa ang beauty ni Marian. At giit nila, walang kinalaman ang network war doon, dahil ang artista ng GMA na si Carla, at pati na si Isabelle Daza ng Q-11 ay pasok sa kanila.

Ganun din daw ang nangyari kay Heart Evangelista, na nabanggit sa simula, pero hindi rin nakapasok sa top 10.

Sa kategoryang Most Fashionable award naman ay maglalaban-laban din sina Isabelle Daza, Anne Curtis, Nicole Anderson, Pauline Juan, Denise Laurel, Divine Lee, Marie Lozano, Bea Soriano, Bianca Valerio, Camille Villar at Georgina Wilson.

Gagawaran din ng US Girls Icon Award ang isang celebrity na sumisimbolo sa tunay na modernong babae - independent, smart, adventurous at higit sa lahat ay nakikiayon sa makabagong panahon.

Para sa mga gustong suportahan ang kanilang mga paboritong fashion icon, puwede silang bumoto sa poll section ng multiply site ng US Girls na http://usgirls23.multiply.com.

Ang US Girls ay napapanood tuwing Linggo, 7:00 pm, sa Studio 23.

Source: Abante