Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Marian, itinangging galit kay Katrina

Marian, itinangging galit kay Katrina

Author: Nitz Miralles

Si Marian Rivera ang cover ng July issue ng Yes! Magazine's Most Beautiful issue for 2009 at para walang intriga't walang magreklamo, walang ranking ang this year's choice of 100 Beautiful Celebrities at ayaw ding sabihin sa amin kung pang-ilan si Marian sa listahan.

Sa July na magti-taping si Marian para sa Darna o Narda na August naman ang premiere. Mukhang handa na ang actress dahil tuluy-tuloy ang training ng wushu at harness at pati si Dingdong Dantes ay tumutulong sa kanyang workout.

Itinanggi pala ni Marian ang nasulat na ayaw niyang makasama sa Darna o Narda si Katrina Halili dahil na-involved sa video scandal. Bukod sa hindi nakikialam sa casting, wala siyang karapatang mamili kung sino ang makakasama dahil ang GMA Network ang mag-dedesisyon. In fact, hindi pa niya alam kung sino ang gaganap sa role ni Valentina sa Darna.

Nagkasama sa stage sa GMA anniversay show na One Glamorous Night: Greater and Grateful at 59 sina Marian at Carla Abellana at napansin ng press na may hawig sila. Isama pa si Alexa Ortega ng Are You The Next Big Star? at puwede na silang gumanap na triplets.

* * *

Tapos na ang paghahanap sa aktres na gaganap sa role na Fedra dahil kay Katrina Halili ibinigay ang role. Magti-taping na ang aktres at sabi ni Ms. Wilma Galvante, bagay kay Katrina ang role na strong woman at panahon na rin para bumalik sa trabaho ang dalaga.

Wish na lang nito'y tanggapin pa siya ng tao at nangakong pagbubutihin ang trabaho para sa fans niya. Excited na raw siyang magtrabaho't matagal na siyang nagpapahinga at masaya dahil gusto niya ang role ni Fedra at gusto niya ang Rosalinda dahil favorite niya si Thalia.

Hindi naman siguro mangyayari ang kinatatakutan ni Direk Maryo J. delos Reyes na matatabunan ni Katrina sa publisidad si Carla. Marami ring puwedeng isulat sa newcomer.

* * *

Role na ginampanan ni Francis Magalona sa movie version ng Kung Agawin Mo Ang Lahat Sa Akin ang pino-portray ni Jace Flores sa TV remake nito na eere na mamayang hapon. Na-pressure ang binata dahil isa sa mga bida si Maxene Magalona, anak ni Francis, at inisip niyang kailangan niyang galingan para 'di mapahiya rito.

"But Maxene is very nice at okey sa kanya that I'll be playing his dad's character. She's easy to work with and it helps me focus more at naalis ang kaba at pressure ko," say ni Jace.

Three times pinanood ni Jace ang Kung Agawin..., at nagtanong sa staff kung kailangan niyang gayahin ang acting ni Francis M? Pinayuhan siyang bigyan ng sariling interpretation ang role ni Ardie na siya niyang ginawa. Si Topel Lee ang director ng soap.

* * *

Featured movie sa Monday 5Max Movies ng TV5 ang Battlefield Earth starring John Travolta, Barry Pepper and Forest Whitaker. Based ito sa book with the same title ang vintage hard science fiction movie.

For Tuesday, ang sports drama na For Love of the Game starring Kevin Costner as the star pitcher of Detroit Tigers. Napapanood ang 5Max Movies, 9 p. m. , Monday to Friday, sa TV 5.

Source: People's Tonight