Mar 18
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Marian, jologs magsalita

Marian, jologs magsalita

Author: Mercy Lejarde
Column: Tell & Tell

PRO-LIFE si Marjorie Barretto. "Pro-lific" writer naman si Tita Cristy Fermin.

Kung may "laglagan ek" man, ibang isyu na 'yon, tsuk!

* * *

MUY simpatiko ang nali-link romantically kay Marjorie na si Mayor Recom Echiverri ng Kalookan City.

Muy paldo pa ang pitaka. Muy bien, muy bien!

Pakiusap lang ng ilang titsers sa Kalookan, don't delay their salaries, tsuk!

* * *

TAKE good care of your heart, Ely Buendia, nang hindi ka "ma-erase" sa Eraserheads.

Ayaw ng fans na masabihan kang. .. "Oh, Pare ko, huwag mong kantahin ang Huling El Bimbo sa Alapaap!"

* * *

SA naging panayam kay Jessa Zaragoza nu'ng mag-taping sa Kapamilya Deal or No Deal with matching husband Dingdong Avanzado on the side, nasabi nitong..."I will also sing the theme song of Eva Fonda. "

For sure, hindi 'yung kantang. .. "bakit kinagat ni Adan ang mansanas ni Eva" at baka sabihin ni Rufa Mae (Quinto) "jologs naman!," tsuk!

* * *

SPEAKING of "jologs," jologs nga ba kung magsalita si Marian Rivera lalo na dun sa mga spiels niya sa Let's Celebrate, ha, katotong Allan Diones?

Tilian kasi nang tilian ang fans, kaya hindi gaanong narinig ng yours truly.

But jologs or not, at least hindi nawawala ang kanyang sweetest smile ke nagsasalita, nagsasayaw, nakikipag-usap with matching smiling eyes, sa true lang.

Kung sabagay, sa Dyesebel ay nakakatuwa ang pagiging jologs ng batuhan nila ng salita sa mga eksena ng bagets na si Buboy, in fairness.

* * *

BUHAT nang maka-loveteam ni John Lloyd Cruz si Sarah Geronimo, pansin namin na tipong nagiging komedyante ito, lalo na nu'ng preskon ng I Love Betty La Fea at isa-isa silang pinagbubuksan ng pintuan ng dalawang mhin na tipong tour guide ng Dos, binesu-beso pa niya ang dalawa bago rumampa sa harap ng movie press.

Hmmm. .. puwede rin pala si Lloydie sa role na Nicolas, best friend ni Betty (Vhong Navarro).

Move a little over, Vhong!

* * *

PANSIN ng yours truly, kahawig ni Scholar Sen ng Pinoy Dream Academy Season 2 ang matagal nang yumaong singer na si Rodel Naval, nagpasikat ng OPM hit na Lumayo Ka Man sa Akin.

* * *

FROM rags-to-riches ang lifestory ni Cornelia Lee, a. k. a. Angge.

Siya ang maglalaro bukas sa KDOND. Harinawa'y madagdagan pa ang pagiging rich nitong si Angge.

Source: People's Tonight