|
|
| Marian, kailangan ng damage controlAuthor: Ogie Diaz DAMAGE control. 'Yan ang dapat isipin at isagawa ng manager ni Marian Rivera na si Popoy Caritativo. Kung paanong mapapabango ang image ng kontrobersiyal na young actress. Isang beteranong reporter ang may pangit na personal encounter sa kanya at ito'y ikinuwento na ng reporter para ipaalam sa publiko ang tunay na ugaling maldita at plastikada ni Marian Rivera. Bukod diyan, may lumalabas pang nagdadrama lang sa presscon ng Desperadas 2 si Marian, dahil nag-thumbs up sign pa raw sa isang alalay nu'ng paalis na sa presscon na ang diumano'y ibig ipakahulugan ay, "Okay ba ang acting ko kanina?" Ang pagngiti ni Karylle sa isyung buntis si Marian courtesy of Dingdong Dantes ay iba naman ang kahulugan sa karamihan. Lutang na lutang daw ang breeding ni Karylle habang ang pagtungayaw ni Marian sa isyung nginitian lang ni Karylle ay meron ding impresyon ang mga tao. "Palengketic" daw ang approach ni Marian. Umaani tuloy ng batikos ngayon si Marian mula sa ilang reporters, kaya sa pagkakataong ito, dapat nang pumasok sa eksena ang manager at trabaho niyang "pabonggahin" ang impression ng mga reporter sa alaga niya. Unless gusto talagang ipa-project ni Popoy sa alaga na manatiling maldita, plastikada at nega sa mga tao. Tamang-tama, isama na rin ni Marian sa kanyang New Year's resolution na sa 2009, pipilitin niyang tapatan ang "breeding" ni Karylle. May ganu'n? * * * MALUNGKOT naman ang Pasko ni Dra. Vicki Belo. Nagbakasyon muna s'ya sa ibang bansa para sandaling kalimutan ang paghihiwalay nila ni Dr. Hayden Kho. Kung hindi pa nabalitaang nag-overdose si Hayden, hindi natin malalaman na hiwalay na ang dalawa dahil kay Katrina Halili, na lihim daw na kinakatagpo nu'ng lalaki at nu'ng komprontahin nga raw ni Dra. Belo si Katrina, hindi na 'to nakapagsalita dahil sa mga hawak na ebidensiya ng doctor to the stars. Totoo ba na nu'ng nagtangkang mag-suicide si Hayden at nadatnang nakatimbuwang bago isugod sa ospital ay isinulat pa nito sa kanyang dibdib ang "I love you, Vicki!"? Biru-biruan lang ba ito o may ganitong pangyayari talaga? Kung ito man ay totoo, ibig sabihin, ganu'n katindi ang love ni Hayden kay Dra. Belo. Pero kung kilala namin si Dra. Belo, grabe kung magmahal 'yan ng lalaki at kaibigan. Sobrang pampered sa kanya, 'wag mo lang siyang lolokohin o iisahan, dahil 'pag nagkataon, burado ka na sa puso niya. * * * ABA, pareho palang nakakuha ng grade A sa Cinema Evaluation Board (CEB) ang Magkaibigan nina Sen. Jinggoy Estrada, Christopher de Leon, Maricel Laxa at Dawn Zulueta at filmfest entry ng Maverick Films, at ang Baler ng Viva Films at Bida Productions, na pinagbibidahan nina Jericho Rosales at Anne Curtis. So, ibig sabihin, pareho silang tax-exempted. Magkano rin 'yon, huh! Pero ayon sa isang miyembro ng MMFF screening committee, among the entries, sa One Night Only (ng OctoArts Films, pinagbibidahan nina Katrina, Diana Zubiri, Valerie Concepcion, Jennylyn Mercado at Alessandra de Rossi) siya pinaka-naaliw. * * * NAKAKALOKAH 'yung isang manghuhulang kakikilala lang namin. Isulat daw namin na merong isang young actress na mabubuntis next year. Sabi namin sa kanya, "Ah, talaga po? Meron din po ba kayong hula na merong isang young actor naman na magiging ama next year?" "Sandali, ha? Itatawag ko sa 'yo bukas. " 'Kalokah! Ang "lalim" ng vibrations ng manghuhulang 'yon. Hahaha! * * * KUNG gusto n'yo kaming maka-text, just type Ogie On at i-send sa 2366. Source: People's Tonight |