|
|
| Marian, laging nakapulupot kay DingdongAuthor: Vinia Vivar Aminado si Anne Curtis na bilang babae, normal lang na makaramdam siya ng selos kahit paano kung sakaling mababalitaan niyang may bago nang girlfriend ang ex-boyfriend na si Sam Milby. "Siyempre, alam mo 'yun, babae pa rin naman ako at nakakaramdam ng sakit and selos. Pero at the same time, tatanggapin ko rin naman 'yun kasi naging choice ko rin naman na to be happy na. Choice mo naman 'yun, eh. Kung pipiliin mong maging depressed about it or to be happy about it and I wish him the best na lang. " Okey pa ba sila ni Sam? "Sa ngayon talaga, hindi na kami nagkikita," sabi agad ng young actress na kapapanalo lang sa Students Choice Awards ng USTv bilang Most Popular Actress para sa seryeng Dyosa. Anyway, sa pagta-travel ngayon nahihilig si Anne. Kagagaling lang niya sa Hong Kong last Valentine's Day pero nagbabalak na naman siyang umalis ng bansa sa Mayo. "Sa Europe naman ako pupunta, it's my b-day gift for myself," sabi ni Anne. * * * Parehong itinanggi nina Zanjoe Marudo at Mariel Rodriguez na nagli-live-in sila. Ayon sa aktor, baka raw inakala lang ng tao na ganu'n dahil napapadalas ang dalaw niya sa girlfriend kapag wala itong trabaho. Pero may pasubali naman si Zanjoe na if ever na totoo ay wala naman daw pakialam ang ibang tao dahil normal lang naman daw sa magkarelasyon ang either mag-live-in or magpakasal. Pero hindi pa man nagkakatotoo ay tinututulan na ito ng manager ni Mariel na si Boy Abunda. Say nga niya, hindi raw siya papayag. "Mariel is still young and she has a whole life and career ahead of her. Pero desisyon pa rin naman niya 'yan. Ang sa akin lang, kung ako ang tatangunin, ayoko. Mas mabuti pa nga kung kasal na lang," say ni Kuya Boy. Anyway, ngayong Sunday, sina Zanjoe at Mariel ang magbibida sa final episode ng Your Song Presents Feb-Ibig na may pamagat na Houseband. Sa ilalim ito ng direksyon ni Tots Mariscal-Sanchez Makakasama rin ni Zanjoe at Mariel sa nasabing episode sina Chad Peralta (PDA scholar season 1) at si Gian Sotto. * * * Bagong cast ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang si Alvin Fortuna na alaga ni Lito de Guzman. Sa mini-presscon na ipinatawag ng manager para sa kanya last Friday, kinumusta namin sa kanya ang mga co-stars niyang bida ng serye na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Kaswal na kaswal ang sagot ni Alvin. "Ay, malambing sila sa isa't isa. Sila na ba? Ayun, lagi silang magkayakap. Malambing. Halimbawa, nagkukuwentuhan, lalapit si Marian kay Dingdong, tapos magha-hug sila. " So, naiinggit siya? "Oo, ang sweet-sweet kasi nila," sagot pa ng aktor. So, kung pagbabasehan ang kuwento ni Alvin, kumpirmado ngang sina Dingdong at Marian na dahil bakit naman sila magpi-PDA (public display of affection) sa set kung wala silang relasyon. Anyway, guest lang si Alvin sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang at ginagampanan niya ang role na isang pulis. Source: People's Tonight |