|
|
| Marian, laspag kay DingdongAuthor: Mercy Lejarde DAPAT nga sigurong bawasan ang passionate kissing scenes or love scenes nina Marian Rivera at Dingdong Dantes lalo na sa muling pagbabalik ng kanilang tambalan sa Ang Babaing Hinugot Sa Aking Tadyang. Nu'n kasing Sto. Niño Feast Day sa aming lugar sa Bago Bantay, Quezon City, ay may mga bisita kaming "maka-Kapuso" na nagko-comment na nalalaswaan na daw sila sa passionate kissing scenes ng dalawa at hindi raw nababagay ipalabas sa primetime slot dahil may mga bata pang gising. Kahit na raw may nakalagay pang PG (parental guidance) sa TV screen, sa tingin daw nila, bilang babae ay masyado nang nilalaspag ni Dingdong si Marian. Siyempre, in defense of Marian agad si yours truly with matching dialogue na: "For art sake lang naman 'yon para maging realistic. .. " But still, they insisted na kung sa pelikula ay oks lang daw 'yon at puwedeng maihanay sa B-movies, pero iba raw ang influence ng TV kesa sa pelikula. Baka daw lalong maging maelya ang mga Kapuso viewers at lumobo nang husto ang populasyon ng ating Lupang Hinirang. Hmmnn, on second thought, may sense! So, paging GMA-7 bossings and Popoy Caritativo na manager ni Marian. Well, it's a constructive criticism at para na rin sa ikapananatili ng kasikatan ng isang Marian Rivera na nagsimula last year. At naku noh, hindi namin pinangarap na malaos agad ang byuti ni Marian ngayong 2009 whether some like it or not, tsuk! * * * ISANG impormante from Toyota (Baclaran branch) ang nagkuwento sa amin na bumili raw ng Fortuner si Alma Moreno kumakailan lamang worth P1. 4 milyon. And take note, cash daw ang ibinayad ni Alma. Wow, tipong madatung ngayon ang Tita Ness ng na-eliminate na Pinoy Fear Factor participante na si LJ Moreno, ha! At kaya naman daw walang ka-fear-fear factor ang ahente ng Toyota ay dahil good naman daw ang tsekeng inisyu ng isa sa cast ngayon ng Eva Fonda bago nila ini-release ang van. Ang tanong lang ng aming impormante, win galore daw ba si Alma sa Kapamilya Deal Or No Deal game show ni Kris Aquino sa primetime bida ng Dos? Teka lang, naging studio player na ba ng KDOND itong si Alma na ang host ay tulad din nitong naging ex-papa ni Tsong Joey Marquez? * * * BASTA ang masey-sey lang namin ay patuloy n'yong subaybayan ang Pinoy Fear Factor at KDOND gabi-gabi sa ABS-CBN primetime pati na rin ang Sharon. Sa GMA7 telebabad naman ay ang Gagambino telefantaserye ni Dennis Trillo at ang 5Max Movies at Kiddie Kwela ni Bayani Agbayani sa TV5. Source: People's Tonight |