|
|
| Marian, litaw ang dalawang pisngi ng puwet sa 'Darna' costumeAuthor: Nitz Miralles Sinundan ni Celia Rodriguez ang "she's the prettiest Darna" comment ni Ms. Wilma Galvante patungkol kay Marian Rivera ng "she's the cutest and the sexiest" na ipinagpasalamat ng actress. Dagdag pa ni Ms. Celia, na 'di napapagod ang dalaga, laging masaya at nakatawa at in-assure nito ang lahat na 'di magsisisi sa panonood ng Darna simula sa Lunes, August 10. Sabi rin ni direk Dominic Zapata, hindi nila aaksayahin ang oras ng televiewers. In-assure ni Marian Rivera ang MTRCB na walang dapat ipag-alala sa costume niya dahil hinabaan ang shorts niya at ginawa nila ang gusto nang nakararami, kasama ang mga anak ni Mars Ravelo. Pero, sexy pa rin ang costume niya at litaw ang dalawang pisngi ng puwit niya. Moisturizer ang pangontra ni Marian sa pangingitim ng hita, braso at binti dahil sa harness. Tuloy din ang diet at workout niya para mapasaya ang viewers at para maibalik ang tiwala sa kanya ng GMA-7 sa pagbibigay ng big project na Darna. Ayaw palang sabihin ni Marian kung anong birthday gift niya kay Dingdong Dantes at ito na lang ang tanungin. Bukod sa gift, nag-dinner sila ng family nito, treat niya. 'Katuwa ang sagot ni Marian na "lagi akong nai-excite sa kanya (Dingdong) nang tanungin kung excited ba siya sa ireregalo ng actor sa birthday niya sa Aug. 12. May kasamang kilig ang sagot niya. * * * Isa sa mga makakalaban ni Marian Rivera sa Darna ay si Iwa Moto sa role ni Valentina. Siniguro nitong makatotohanan ang mapa-panood na fight scene nila ni Marian, pero iiwasan nilang magkasakitan. Nagpa-payat si Iwa for her role, ang reklamo lang, lumiit din ang kanyang boobs na okey lang para sa costume niyang litaw ang dibdib. Ang alam ni Iwa, role ng Babaing Linta ang ga-gampanan niya at nagulat dahil two days before the storycon, ipinaalam sa kanyang siya na si Valen-tina. Hindi takot sa ahas ang hitad at habang ini-interview, may hawak na maliit na ahas na ipina-nanakot sa press. Bad Iwa! Maganda ang sagot ni Iwa kundi ba niya pina-ngarap maging si Darna? "Mas maganda si Valentina at sabi ni Tita Celia, 'Valentina is Valentina,' wala si Darna kung wala si Valentina. " * * * Masayang-masaya si Glaiza de Castro na sa kanya ipinagkatiwala ang role ni Eunice sa Stairway to Heaven. Ikinatuwa rin nito ang nalamang unanimous choice siya sa role ng main contravida dahil sa husay niya sa Kung Aagawin Ang Lahat Sa Akin. Hindi nasubaybayan ni Glaiza ang Stairway... at ang napanood na iilang episodes ay nakita kung gaano kalalim ang karakter ni Eunice. Panonoorin niya ang buong serye para mas lalong maintindihan ang gagampanang role. First time niyang makakatrabaho sina Dingdong Dantes, Rhian Ramos, TJ Trinidad at direk Joyce Bernal. Si direk Andoy Ranay pa lang ang naka-trabaho niya nang magdirek ng one taping day ng Kung Aagawin..., kaya kinakabahan siya ng konti. Maraming pabor at meron ding ayaw na siya ang mag-portray sa role ni Eunice, ano ang message niya sa nakapanood ng original Korean novela? "Gagawin ko ang lahat na makakaya ko para 'di sila ma-disappoint at para ma-meet ko ang expectations nila, Hindi ko sisirain ang character ni Eunice, pangako ko 'yan. " Source: People's Tonight |