|
|
| Marian, mabubuntis bago ang 2010?![]() Author: Jun Nardo NAKATUWAAN daw ni Marian Rivera na magpahula. Gusto raw kasi niyang makita at maramdaman ang ginagawa ng isang manghuhula bilang preparasyon niya sa role niya sa pelikulang Tarot ng Regal Films. Of course, malayo pa sa isip ni Marian ang mabuntis kahit nariyan lang sa tabi-tabi niya ang boyfriend na si Dingdong Dantes. Marami pa kasi siyang gustong ma-achieve bilang artista, so no way na pabubuntis siya, aksidente man o hindi ang mangyari! After all, patuloy ang pamamayagpag sa ratings ng Darna na nu'ng Thursday, aba, 46.7% ang hinamig nito! Ngayong gabi sa Darna, magpapakita na si Guardian kay Narda (Marian) upang ipaalam na siya ang tinalagang maging tagapagtanggol ng masa. Kung puno ng damdamin ang episode ngayong gabi sa Darna, bukas naman ay punumpuno ng aksyon dahil sasalakay na sa mundo ang kalaban ni Darna!*** Speaking of Tarot, nakaramdam din ng kakaibang feeling at pangyayari nang magsyuting ang grupo sa Bundok Banahaw! Nagkandahirap na nga ang mga bidang sina Marian Rivera at Dennis Trillo sa pag-akyat sa bundok, muntik pa silang madisgrasya nang bumagsak ang isang malaking sanga ng isang puno sa shooting nila! Mabuti naman daw at walang staff o artistang nabagsakan ng sanga ng puno, pero isang malaking kahiwagaan ang nangyari, ayon kay direk Jun Lana. Para nga raw hindi maka-attract ng masasamang espiritu sa shooting, talagang siniguro ni direk Jun na meron silang consultant sa set at lagi silang nagradasal bago mag-shooting. Maging ang ginamit na tarot cards sa mga eksena, pina-design ng horror director pero sinabi niyang hindi niya ginawa ang Tarot para takutin ang publiko sa pagpapahula, huh! Sa August 26 na ang showing ng Tarot pero bago 'yan, tuloy na tuloy na ang pagbu—blowout ni Mother Lily kay Marian bilang belated birthday celebration. Sa Sunday, nasa SM North EDSA sina Marian at Dennis sa kanilang mall tour at sa August 24 ang premiere sa SM Megamall.*** Nagkasakit ng isang linggo si direk Maryo J. delos Reyes matapos ang sagarang shooting sa Bohol ng Kris Bernal-Aljur Abrenica movie na I'll Be Waiting For You. “Grabe 'yung nangyari sa akin. Kahit anong energy drink ang inumin ko, ayaw bumalik ng lakas ng katawan ko. Iba talaga 'yung feeling ko that time. Imagine, we have to finish all the scenes in Bohol. 'Yung matatapos kami nang madaling-araw , tapos, call ako ng 9:00 am. “So nu'ng bumalik ang energy ko, straight muna ako ng isang linggo rito sa Rosalinda. Two days na lang naman kasi 'yung sa movie, so dito muna ako sa taping!” sabi ni direk Maryo. Eh, good news din para kay direk ang pagbabalik niya sa Rosalinda dahil umakyat ang ratings nito sa 31%. Source: Abante |