|
|
| Marian, malungkot 'pag wala si Dingdong!![]() Author: Abante SA aming palagay, hindi na kailangan pang diretsuhing aminin nina Dingdong Dantes at Marian Rivera kung anuman ang meron sa pagitan nilang dalawa. Kahapon sa Showbiz Central habang ini-interview ni Mo Twister, puwedeng-puwedeng sabihin that action speaks louder than words. Hindi pa man ipinapalabas ang Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, tila inihahanda na ng GMA-7 ang mga tagahanga ng dalawa na sa ika-apat na series na gagawin nila ay mas malaki ang posibilidad na paghiwalayin naman sila at iba naman ang i-pair sa kanila. 'Yun nga lang, mukhang mas dapat paghandaan nina Dingdong at Marian ang possibility na sa mga susunod nilang projects, iba naman ang mga ka-partner nila. Sa tanong kung ano ang pakiramdam kapag hindi sila magkasama, walang-gatol na sinabi ni Marian na, “parang hindi ako masaya kapag wala siya,” na sinundan ng tanong ni Dingdong na, “eh, paano kung hindi na tayo magkatrabaho?” Halatang parehong nabigla sa mga binitawang salita ang dalawa after sabihin ni Marian kay Dingdong naman na, “Eh, huwag ka ng umiyak! Hayan tuloy, napaghahalata ka.” Huh! Si Dingdong naman, “weird” naman daw ang pakiramdam niya kapag wala si Marian sa tabi niya. Pareho rin ng sagot ang dalawa na halos wala na raw silang lihim sa isa't isa. In fact, on Marian's part, lahat daw talaga ay sinasabi at ikinuwento niya kay Dingdong at walang itinatago rito. Gayundin si Dingdong na kung susulat man daw ng biography ni Marian, gusto raw niyang siya ang gumawa nu'n dahil sa mga pinagdaanan na rin daw nila na magkasama. On the other hand, huwag na raw magtaka kung bakit tila effective na naipapakita nina Dingdong at Marian ang labis na pagmamahal nila sa isa't isa sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, inamin din ni Dingdong sa interview sa kanila ni Mo Twister sa Showbiz Central na in a way, inspired by real life feelings nila ang ginagamit nilang motivation sa kani-kanilang character sa Tadyang. Source: Abante |