|
|
| Marian, masama ang loob kay Karylle!![]() Author: Jojo Gabinete PINANOOD namin kahapon sa YouTube ang pinag-uusapan na interbyu ni Boy Abunda kay Karylle sa The Buzz noong Linggo, para lalo naming maintindihan ang dahilan ng pag-iyak ni Marian Rivera sa presscon kahapon ng Desperadas 2. Ang pag-iyak ni Marian ang highlight ng presscon ng Desperadas 2. Nakangiti pa si Marian nang sagutin nito ang unang tanong ng presscon moderator na si Jun Nardo. Totoo ba na buntis siya tulad ng itinanong ni Boy kay Karylle, pero imbes na sumagot, ngumiti lamang ang ex-girlfriend ni Dingdong Dantes. Pabiro ang sagot ni Marian nang itanong nito sa mga reporter kung gusto ba nila na ngiti rin ang kanyang sagot na parang nagpapakontrobersyal? Mariing pinabulaanan ni Marian ang balita. Masyado raw niyang mahal ang kanyang career kaya wala pa sa plano niya ang maging ina. Years from now, kung sakaling mabuntis siya, aaminin niya ang katotohanan at hindi dadaanin sa ngiti ang pagsagot. Ang pangalawang tanong sa kanyang tunay na nararamdaman ang tuluyang nagpabagsak sa pinipigil na luha ni Marian. Ano ang tunay na nararamdaman niya sa naging reaksyon ni Karylle? Paulit-ulit na sinabi ni Marian na na-offend siya dahil imbes na sumagot ng “hindi ko alam,” mas pinili ni Karylle na ngumiti na may kahulugan. Naramdaman ng mga tao sa presscon ang matinding sama ng loob ni Marian laban kay Karylle. Hindi pa magkakaroon ng closure ang isyu na kinasasangkutan nila. Nag-alala kaaagad ang manager ni Marian na si Popoy Caritativo nang marinig nito ang balita na umiiyak ang kanyang alaga sa press conference ng Desperadas 2. Apparently, may nagparating kay Popoy ng balita na may nagsalita na “plastic” si Marian kaya napaiyak ito. Nasa harap kami ng presidential table. Wala kaming narinig na nagsalita na plastic si Marian at kung meron man, hindi namin napansin dahil nakatutok ang aming atensyon sa kanyang mga sinasabi. Nag-unahan din ang mga TV crew na makunan ng kamera ang mga pahayag ni Marian. Sigurado kami sa isang bagay, napahagulgol ng iyak si Marian nang itanong ang kanyang tunay na saloobin sa controversial smile ni Karylle. Nahinto ang open forum dahil sa pag-iyak ni Marian. In fairness to her, nagpasintabi siya sa kanyang mga co-star dahil hindi niya kagustuhan ang nangyari. Ganap na alas-tres kahapon nang ilibing si Marky Cielo sa likod ng bahay nila sa Mountain Province. Sina Robin Padilla, LJ Reyes, Jan Manual, Say Alonzo, Rich Asuncion at Stef Prescott ang ilan sa mga Kapuso star na nagpunta sa Mountain Province para makipaglibing sa pumanaw na young actor. Ayon sa isang eyewitness, iyak nang iyak ang ina ni Marky na si Mildred at mga kaibigan na nagmamahal sa kanya. Umaagos din ang luha ni LJ. Bago inilibing si Marky, nagkaroon muna ng ritwal gaya ng pagkanta ng mga religious song at pagpapatay ng baboy. Si Arnel Ignacio ang solo host ng Christmas party for the press ng GMA 7. Panay ang parinig ni Arnel sa mga executive ng GMA 7 na bigyan na siya ng regular TV program dahil hindi pa nagkakaroon ng kapalit ang kanyang natapos na game show, ang Go Bingo. Present sa Christmas party ang mga castaways ng Survivor Philippines, ang Pinoy Sole Survivor na si JC Tiuseco at GMA 7 CEO Atty. Felipe Gozon. Pinasalamatan ni Atty. Gozon ang press people na patuloy na sumusuporta sa mga programa ng Kapuso network. Kasama ni Ramiele Malubay sa presscon ng The Idol Experience: Ogie Sings with the Idols ang kanyang aspiring actor-boyfriend na si Austin Torres. Low-profile si Austin kaya hindi siya napansin ng mga reporter. Sa question-and-answer portion, sinabi ni Ramiele na hindi siya ginagamit ni Austin para matupad ang pangarap nito na makapasok sa showbiz. In fact, walang alam si Austin tungkol sa kanya nang una sila na magkakilala. Hindi raw alam ng kanyang boyfriend na finalist siya sa Season 7 ng American Idol. Suportado ni Ramiele at ng kanyang magulang ang pangarap ni Austin na maging artista sa Pilipinas. Kinausap ng kanyang ama ang isang kaibigan na reporter para tulungan nito na maka-penetrate si Austin sa Philippine showbiz. Source: Abante |