|
|
| Marian nagkasugat-sugat sa DARNAAuthor: Gerry Ocampo After four years, mu-ling binuhay ng GMA7 ang Darna na mapapanood sa Aug. 10. This time, si Marian Ri-vera ang bagong Darna pagkatapos lumipat ni Angel Locsin sa Dos. Sa speech ni SVP for Entertainment Wilma Galvante, sinabi nitong mas bagay kay Marian ang Darna. Bukod sa super-seksi ang actress ay akmang-akma umano ang aura nito para sa costume ng Darna. Maging ang four times na rin gumanap na 'Valentina' na si Celia Rodriquez, na kasama rin sa cast ng ba-gong Darna, ay nagpaha-yag na si Marian ang cu-tiest at prettiest na naging Darna. Masayahin at napakabait na bata raw ni Marian. Kahit pagod na pagod na raw sila sa taping ay nandoon pa rin ang pagi-ging kalog ng actress kaya nawawala ang pagod nila sa taping. By the way, hindi pa raw nakakadalaw si Dingdong sa taping ng Darna at hindi naman daw ito off limits sa taping. "Puwede naman si-yang magpunta sa ta-ping," saad ni Marian. "Ayaw ko lang makita ni-ya akong nakasuot-Darna. Nahihiya ako. 'Yung balitang nagkasugat-sugat ang singit ko sa Drana, totoo 'yun. Nagka-rushes ang si-ngit ko sa harness. Ginagamot ko na lang para hindi mahalata. Masakit, pero ka-ilangan talaga kaya wala akong choice. "Maganda naman ang kinalabasan kaya happy na rin ako kahit nagkasugat-sugat ang singit ko dahil sa harness," aniya pa. Pagkatapos ng presscon ay kinausap namin si Mari-an tungkol sa napabalitang secret marriage nila ni Dingdong Dantes. "Bakit kailangan magpa-secret marriage? Hindi totoo 'yan. Gusto ko sa simbahan ang kasalan. Pero matagal pa 'yan. Ini-enjoy ko ngayon ang magagandang projects na dumara-ting," ani ni Marian. * * * SA presscon pa rin ng Darna, pinanindigan ni Iwa Mo-to na hindi siya magpapatalo sa kaseksihan ni Marian. Kung lumutang ang kaseksihan ni Marian sa Darna costume, napansin din ng mga press ang kaseksihan ni Iwa bilang Valentina. Nagpa-lipo ba siya dahil nawala ang bilbil sa katawan? "Nag-reduce lang po ako. Gusto ko kasing buma-lik ang dating katawan ko noong unang pasukin ko ang showbiz," katwiran ni Iwa. Bilang Valentina sa Darna, mga totoong ahas ang ginamit para magsilbing buhok ni Iwa. Gumagalaw-galaw pa ang mga ito habang ini-interview si Iwa. Nilalaru-laro pa niya ang isang ahas sa buhok at inilalapit sa mga reporter na gusto siyang makausap. Mahilig daw siya talaga sa mga ha-yop. Katunayan ay may alaga raw siyang cobra at madalas niya itong ha-likan. Biniro tuloy siya ng mga reporter na baka ibang 'cobra' ang alaga at hinahalikan. Natawa siya, sabay bu-lalas:"Totoong cobra! May alaga talaga ako. Punta kayo sa bahay. " * * * Hiningi namin ang reaction ni Rufa Mae Quinto sa sinabi ni Jessa Zaragosa na hindi na ito galit sa kanya. "Ako rin naman ay 'di na galit sa kanya. Matagal na 'yon at dapat mag-move on na para lahat ay masaya, 'di ba?" say ni Rufa Mae. Sa tanong kung payag ba siyang makasama si Jessa sa isang concert dahil sa pro-mo ng mini-concert ni Jessa sa Entertainment Plaza sa SM North ay sinabi nitong gusto niyang makasama ang sikat na actress/comedienne sa isang show. Kahit daw silang tatlo pa nina Rachel Alejandro ang magkakasama ay payag ang wife ni Dingdong Avanzado "Bakit hindi? Sinong ma-uuna sa billing? Siguro hindi na muna ako sasama sa concert nila," sagot ni Rufa Mae. Pilyang secretary si Rufa Mae ni Raymart Santiago sa Darna na isang reporter at siyang tutuklas sa tunay na katauhan ni Darna. Kasama rin sa Darna sina Alfred Vargas, Mark Anthony Fernandez, na leading man ni Marian, Paolo Contis, Francine Prieto, Margie Wilson, at iba pa. * * * Hindi rin pinatulan ni Ru-fa Mae ang tsikang baka pagselosan siya ni Jinkee, misis ni Manny Pacquiao. Siya na kasi ang leading lady ni Pacman sa Wapak Man. "Hindi. Matagal na ka-ming magkakilala ni Manny at thankful nga ako dahil napasama ako sa movie ni-ya. Walang dapat ipangamba si Jinkee dahil very much in-love ako ngayon. Three months na kami ng BF ko at 'wag na ninyong itanong ang pangalan niya baka ma-udlot na naman, kasi di na-man siya taga-showbiz. Hindi kami talo ni Manny. Kaya huwag nang lagyan ng malisya ang pagsasama namin," pahayag pa ni Rufa Mae. Source: Taliba |