|
|
| Marian, nagpasalamat kay KrisAuthor: Nitz Miralles Dumalo si Marian Rivera sa Christmas party ng ENPRESS o Entertainment Press Society at nag-enjoy ito sa biro at pang-iintriga ng writers. Pero hindi na sinagot ang isyu sa kanila ni Karylle para matapos na. Nagpapasalamat siya kay Kris Aquino sa pagtatanggol nito sa kanya sa The Buzz at sabi'y may mga kaibigan pa rin pala siya. Pati 'yung isyu sa Davao, ayaw nang pahabain ni Marian at hintayin na lang na ang mga taga-Phoenix ang magsalita. Sa gabi ng party, kasama niya ang PA na sabi'y kanyang inaway. Nag-thank you rin si Marian sa mga pumuri sa kanya sa Nieves episode ng Shake, Rattle & Roll X, lalo na 'yung nagsabing puwedeng full movie ang episode na 'yon, puwedeng pahabain pati 'yung love story nila ni Adonis (Pekto). Samantala, naurong sa January 6, 2009 ang taping ng Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang dahil kailangang magaling na ang kanang paa ni Marian. Malikot ang character niya sa soap, umaakyat ng mga puno at takbo nang takbo at may fight scene pa yata. For her next movie naman, kung 'di magbabago ang casting, baka sina Dennis Trillo at Gabby Concepcion ang makasama niya at co-produced uli ito ng Regal at GMA Films. * * * In-announce ni Ai-Ai delas Alas sa presscon ng Tanging Ina N'yong Lahat na ikinasal siya sa Las Vegas, pero walang detalye at 'di sinabi kung kanino siya nagpakasal. Naintriga ang nakabasa sa kanyang announcement at sila na ang gumawa ng paraan para alamin kung sino ang lalaking pinakasalan ni Ai-Ai abroad. Ang nadiskubre ng mga masipag mag-research, sa isang Randolph Layug Reyes nagpakasal si Ai-Ai noong 05-012-03, na ang ibig sabihin ay May 12, 2003. May number na D557800 daw ang marriage certificate ng dalawa. Ito pa lang ang nakuhang detalye ng mga masipag mag-research at siguradong may dagdag na detalye pa sila sa mga susunod na araw. * * * Puro controversial ang guests ng Showbiz Central last Sunday, gaya ni Katrina Halili, na ayaw nang pahabain ang isyung siya ang rason ng breakup nina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho. Okey daw ang pag-uusap nila at ka-text niya si doktora. Malalaman ang totoong estado ng friendship nila 'pag nawala na ang billboard ni Katrina as Belo Medical endorser at 'pag napalitan ang picture nila ni Dr. Hayden sa website ng Belo Medical Clinic. Deadma raw ang rumored BF ni Katrina na si Kris Lawrence sa mga issue. Kasamang nag-promote ni Katrina ng One Night Only sina Diana Zubiri at Jennylyn Mercado, na si Mark Herras na uli ang itinatanong. Silang tatlo lang ang nag-promote sa SC dahil ABS-CBN talents sina Valerie Concepcion at Alessandra de Rossi. Nahihirapan si JC de Vera na sagutin kung sila na ni Rhian Ramos at ang lagi nitong sagot ay pinasasaya siya ng dalaga. The mere fact na nakipagsiksikan ang dalaga sa premiere night ng Shake Rattle & Roll X para suportahan si JC, ibig sabihin, special din sa kanya ang aktor. Pinatawa naman nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon ang viewers sa mga sagot at kuwento sa pagkakabuo ng kanilang grupo at mga nakakatawang eksena sa Iskul Bukol...20 Years After. Trailer pa lang ng movie, nakakatawa na at marami ang naiengganyong panoorin. * * * Nakakatuwa ang mga eksena ni Ruffa Gutierrez sa Desperadas 2 at parang hindi siya umarte sa kanaturalan. Nai-imagine namin na ganu'n din siya makipag-usap sa mga anak na sina Lorin at Venice sa eksena nila ni Sofia Baar, gumaganap na anak niya sa movie. Sa Pasko, yayayain daw niya lahat ang kasambahay nilang manood ng Desperadas 2 at pagkatapos, kanya-kanya na sila ng lakad. Pipilitin din niyang manood ang mga kaibigan para mag-number one ang movie nila. Samantala, si Ruffa ang in-charge sa Christmas dinner ng pamilya nila at ikinuwento ang kanilang menu. May 17-pound turkey daw sila, roast beef, lapu-lapu, caesar's salad at pasta. Wala silang ihahandang pork dahil iniingatan ang health ng parents niya at natutuwa siya't sumusunod sina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez sa sinasabi ng doktor pagdating sa pagkain. Welcome raw si KC Concepcion na maki-noche buena sa kanila. * * * Sa Luna Mystika, ayaw nang makipag-usap ni Dexter (Mark Anthony Fernadez) kay Luna (Heart Evangelista) hanggang makabalik siya ng Manila. Ipinagtanggol naman ni Dominic si Luna kina Alice (Sheryl Cruz) at Donita (Iwa Moto). Natuloy ang plinanong party ni Ybarra bilang pagpapakilala sa mga taga-Barrio Mausok at imbitado ang lahat. Sa party, nakita ni Ybarra na may kinuhang porcelain si Celestina (Heart) sa kanyang bahay. Source: People's Tonight |