Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Marian, nag-topless sa harap ni Dingdong!

Marian, nag-topless sa harap ni Dingdong!

Author: Jun Nardo
Column: I Know Better!

NAGDI-DATE na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes nga­yon. Hindi na sila nahihiya o natatakot na baka makita sila ng mga taong magkasama sa labas.

Pero hindi ibig sabihin ay exclusively dating na ang drama nila, huh!

“Hindi naman ganoon. Minsan, kain kami sa labas. Nano­no­od ng sine na kasama ang kanyang kapatid,” sabi ni Marian sa press launch ng bagong series nila ni Dingdong Dantes na Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang na mula sa panulat ni Carlo J. Caparas.

Kung ganoon, may feelings na sila sa isa't isa ni Dong?

“Hindi naman mawawala 'yung fee­lings namin sa isa't isa dahil halos araw-araw na naman kaming magkasama. Pag magkasama kaming dalawa, there's something talaga. Sino bang babae ang hindi mai-in love sa kanya, di ba? Pero this time, enjoy lang kami! Mahirap kasing madaliin ang mga bagay-bagay, eh!”

Base sa pilot telecast ng series nila, ang sarap-sarap ng lips to lips nila, huh! Bumigay na talaga silang dalawa!

“Ha! Ha! Ha! Hindi ko po alam ang sasabihin ko! Ha! Ha! Ha!” bulalas niya.

Kasi naman, ramdam na ramdam ang feelings sa kanilang da­lawa habang naglalaplapan, huh!

“Ha! Ha! Ha! Nandoon kasi 'yung trust namin sa isa't isa! Kaya siguro nagawa at lumabas iyang maganda,” sabi pa niya. Maging sa pagsusuot ng two-piece bikini; at pagta-topless sa harap ni Dingdong, parang ang tapang-tapang na niya!

“First time kong ginawa talaga 'yon na walang tapis. Literal na two-piece talaga. Hindi naman sa daring na ako. Naniniwala ako na bilang artista, dapat iba-ibang role ang ginagampanan mo. At least lahat, nae-experience mo.

“'Yung topless scene ko, sa pool kinunan 'yon. Nagawa ko 'yon dahil sa nakapaligid sa akin. Parang sa Dyesebel!

“Pinaghandaan ko naman talaga 'yung two-piece ko. Nag-diet ako,” kuwento pa ni Marian.

Teka, dahil pa­wang halikan ang naganap sa unang episode, may napansin ba siyang pagbabago sa halik sa kan­ya ni Dingdong?

“Ha! Ha! Ha! Ganoon pa rin ang halik niya! Ha! Ha! Ha!” sagot niya.

Sa Valentine's Day, subsob sa taping sila ni Dingdong. Wala ba siyang balak bilhan ng regalo ang actor?

“Wala pa akong naisip, eh. Lahat naman kasi nasa kanya na,” sey niya.

Siya na lang kasi ang hinihintay ni Dingdong na regalo?

“May ganoon? Ha! Ha! Ha!” sabi na lang ni Marian.
***

Walang pakialam si Paolo Contis kung pang-ilang choice siya para maging host ng bagong game show na My Dad Is Better Than Your Dad.

Ayaw kasing sagutin ng program mana­ger ng show kung u­nang in-offer ang show kay Vic Sotto at parang wa­lang alam si Paolo na meron pang ibang ki­nun­­sidera bago siya.

“Wa­lang problema sa akin kung pang-ilan ako sa pinagpilian. Basta ako, may trabaho at wala sila! Ha! Ha! Ha!” may birong tugon ni Paolo.

Impressive naman ang dating ng set ng MDIBTYD. Kitang-kitang ginastusan at ang mga games, mapi-feel ang bonding ng mag-amang kasali.

Source: Abante