|
|
| Marian, nag-two-piece sa harap ng maraming taoAuthor: Nitz Miralles Nagpalabas ng sneak preview ng When I Met U sa S. O. P. bilang simula sa four weeks promo ng movie na showing sa February 11. Sa Feb. 8, ang big promo at dito siguro kakantahin nina KC Concepcion at Richard Gutierrez ang duet nila na theme song ng movie. Nasa Cebu kahapon sina KC at Richard at sa airport pa lang, pinagkaguluhan na sila ng mga Cebuano. From the airport, deretso sila sa presscon sa Pino Restaurant owned by Annabelle Rama's cousin at pagkatapos, ay sa parade na. Walang pagod ang dalawa to think na 2 a. m. na ng Sabado natapos ang kanilang shooting. Today hanggang January 25, na last day shooting nila, tuluy-tuloy ang kanilang trabaho. May birthday special pala sa February si Richard and hopefully, ma-guest niya si KC dahil sakop pa 'yun sa promo ng movie nila. January 21, ang actual birthday ng actor at ng kambal niyang si Raymond Gutierrez, pero sa February na ito gagawin. Samantala, nakuha namin ang tentative track listing ng OST o original soundtrack ng movie to be released by SonyBMG. Kasama rito ang duet nina KC at Richard, ang solo version ni KC ng theme song at Ikaw Pa Rin at Letter Day Story. Ang iba pang songs sa OST ay ang Hintay ng Callalily, Migraine ng Moonstar 88, Bring Me Down ng Cueshe, Gusto Ko La-mang Sa Buhay ng Itchy-worms, Hanggang Dito Na Lang ni Jimmy Bondoc, 'Di Nakikita ng Roots of Nature at Gusto Na Kita ng 6Cyclemind. * * * Sixteen weeks tatakbo ang Ang Babaeng Hinu-got Sa Aking Tadyang na magsisimula sa February 9. Sabi ni SVP for Entertainment Wilma Galvante, gusto nilang i-challenge sina Marian Rivera at Dingdong Dantes at lalabas ang acting ng dalawa. Sa pilot week, may bed scene na sina Marian at Dingdong na gaganap sa role nina Homer at Proserfina. May eksena ring nag-two-piece ang aktres at nag-swimming sa harap ng maraming tao. Sabi ni Marian, nagkaroon siya ng tiwala na mag-two-piece dahil sa suporta ng mga kasama. May love scenes pa at marami silang kissing scenes ni Dingdong na kakikiligan ng kanilang fans at bawing-bawi ang kanilang paghihintay sa bagong soap ng dalawa. Sina Angelu de Leon at Francine Prieto ang main contravida. Ang una ay ang girlfriend ni Dingdong at ang huli ay ang nobya ni Paolo Contis na obsessed dito kay Marian. Si Ogie Alcasid ang kakanta ng theme song ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. * * * Katatapos lang ipalabas ang Kutsilyo, Pamaypay at Yantok sa Tanghalang Huseng Batute ng CCP. Ang KPY ay trilogy ng mga klasikong eksena na mas nagpapakilala sa karakter nina Maria Clara, Salome at Sisa at ang mga lalaki sa buhay nila na sina Ibarra, Elias at Peping. Ito'y sa pakikipagtulungan ng GMA-7 Artist Center at Tanghalang Pilipino. Ang first episode na Ang Balutan ng Gamot at Pagkain ay sinulat ni Nick Pichay at characterization nina Maria Clara at Ibarra. Tampok dito ang TP Actors' Company scholar na si Tara Cabaero at AC apprentice Jonathan Tadioran. Ang second episode na Kabanata X ay sinulat ni Chris Millado at tender scene nina Salome at Elias played by StarStruck 2 winners Ryza Cenon and Mike Tan. Ang third episode na Ang Nazarena ay mula pa rin kay Chris Millado at violent scene ng mental at physical torture na pinagdaanan ni Sisa sa abusive husband niya na ikinasira ng kanyang ulo. Bida rito si TP scholar Kat Castillo at PHSA Theater Arts graduate Meile Romero. Alternate nila sina TP scholars Chrome Cosio at Riki Benedicto. * * * Sa La Lola, nagsumbong si Lalo (Wendell Ramos) kay Gaston (Marvin Agustin) na duda na si Lola (Rhian Ramos) sa katauhan niya, pero sabi nito, hayaan na lang maghinala ang dalaga. In-offeran ni Aguirre (Eddie Garcia) si Lola na magtrabaho sa kanya na tinanggihan nito't malaki ang utang na loob niya kay Susanna (Eula Valdez). Biglang dumating si Susanna na ikinagulat ni Lola. Dinasalan ng Babaylans ang picture ni Matias (Yul Servo) na sana bumalik ito sa bagong anyo. Maya-maya, nag-transform ang fake na Lalo at bumalik sa katauhan ni Matias, kaya buking na naman si Gaston. Source: People's Tonight |