|
|
| Marian, nakipagbati kay Boy Abunda![]() Author: Jojo Gabinete MASAYA si Marian Rivera dahil naayos na ang mga problema niya sa entertainment press. Sa pamamagitan ni Lolit Solis, nagkita kahapon si Marian at ang entertainment writer na si Ernie Pecho sa isang restaurant sa Quezon City. Yumakap at humalik si Marian sa reporter na nagtampo sa kanya dahil sa isang insidente na nangyari noong nakaraang taon. Nagkapaliwanagan at nagkaayos sina Ernie at Marian kaya tapos na ang tampuhan nila. Habang nakikipagkuwentuhan si Marian sa mga entertainment columnist, tinawagan ni Ricky Lo si Boy Abunda. Nawala sa isip ni Ricky na may isyu sa pagitan nina Marian at Boy. Iniabot ni Ricky kay Marian ang kanyang cellphone. Nagdalawang-isip si Marian na makipag-usap kay Boy dahil nahihiya raw siya. Nevertheless, kinausap niya si Boy at nagkapaliwanagan din sila. Sinabi ni Boy na may mga nang-iintriga lamang sa kanila ni Marian at pilit na ginagawan sila ng isyu. Nangako si Boy na magkaibigan sila ni Marian ang announcement niya sa The Buzz sa darating na Linggo. “Please give her a chance,” ang bilin ni Karylle kay Ernie Pecho nang sabihin nito sa singer-actress na magkikita sila ni Marian kahapon. Napangiti si Marian nang makarating sa kanya ang sinabi ni Karylle kay Ernie. Kung sinabi ni Karylle na handa na siya na makaharap sina Marian at Dingdong Dantes, handa na rin ang una na magkaharap sila ng ex-girlfriend ng aktor. Muling inulit ni Marian ang kanyang pahayag na wala silang problema ni Karylle at lalong hindi sila magkaaway. Kinumpirma ni Makati City Mayor Jejomar Binay sa press conference ng Walang Iwanan, Walang Atrasan ang kandidatura niya sa 2010 bilang pangulo ng Pilipinas. “I'm prepared. I'm ready for the job,” ang walang kakurap-kurap ang mata na pahayag ni Mayor Binay. Nilinaw ng alkalde na walang kinalaman sa pagkandidato niya ang pagsasapelikula sa kanyang life story. Purely coincidence ang pangyayari dahil September 2008 nang ilapit sa kanya ang project at November 11, 2008 nang ipaalam niya sa publiko ang pagnanais na maging Chief Executive ng bansa. Sa lahat ng mga public official na isinalin sa pelikula ang buhay, tanging si Mayor Binay ang hindi nakialam sa kanyang film-bio. Hindi niya kilala ang direktor ng pelikula,, hindi pa sila nagkikita ni Fredmoore delos Santos at nagkakilala sila ni Aiza Marquez sa unang pagkakataon sa presscon ng Walang Iwanan, Walang Atrasan noong Martes. Kung hindi pa dumalo sa presscon si Mayor Binay, hindi niya malalaman ang title ng pelikula. “Today ko lang, nalaman ang title ng pelikula. Ngayon ko lang nakita ang direktor na si Cyril Lorenzana. Wala akong alam mula nang mag-take over ang producer ng pelikula,” ang nakakagulat na rebelasyon ni Binay. Sinabi naman ni Cyril na tumagal ng dalawang buwan ang audition sa paghahanap nila sa aktor na gaganap bilang Mayor Binay. Marami ang sumali sa audition. Si Fredmoore ang kanilang final choice dahil ayaw nila ng aktor na makaka-overshadow sa pagiging simple ng pagkatao ni Binay. “Gumuwapo ako ah,” ang pabirong sabi ni Mayor Binay nang mapanood nito ang two-minute trailer ng kanyang film-bio na balak ipalabas sa lahat ng sinehan sa buong bansa. Dead on arrival nang dalhin sa ospital si Joven Pineda Deala, ang 21-year old brother ni Allan Pineda aka Apl.de.ap ng Blackeyed Peas. Binaril si Joven noong Martes sa loob ng sasakyan niya na nakaparada sa tapat ng bahay ng kanyang girlfriend sa Angeles City. Iniimbestigahan ng mga pulis ang motibo ng pagpatay kay Joven. Nagpasabi na si Apl.de ap na uuwi siya ng Pilipinas para makipaglibing sa kanyang half-brother. Source: Abante |