|
|
| Marian nakurot si Dingdong sa selos kay RhianAuthor: Gerry Ocampo HINDI na itinatago nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang nararamdaman para sa isa't isa kaya naman 'di na maikubli ng una ang kilig kapag napag-uusapan si Dong. Naikuwento ni Marian na nag-dinner sila ng pamilya ni Dingdong sa mismong kaarawan ng aktor at siya raw ang nagbayad bilang birthday gift niya sa lalaking muling nagpatibok ng kanyang puso. Tungkol naman sa isyung pinagselosan ni Dingdong si Mark Herras kaya pinatanggal nito sa Darna ang huli, ayon kay Marian: "Wala po akong nalalaman na pinatanggal ni Dingdong si Mark sa Darna. Hindi naman po ganoon si Dingdong. Talent lang po kami at ang management ng Kapuso ang namimili ng cast sa isang teleserye or show," pagtatanggol ni Marian kay Dingdong. Sa isyung pinagkukurot niya si Dingdong dahil kinilig ang aktor nang malaman na si Rhian Ramos ang magiging leading lady nito sa Stairway To Heaven, natawa ang dalaga sabay sabi na wala raw 'yun. Lambingan at biruan lang daw nila 'yon ni Dingdong. Hindi kaya pinagselosan lang niya si Rhian kaya 'di nakapagpigil na kurutin si Dingdong bilang warning na baka mahulog ang loob ng boyfriend sa mestisang young actress? Samantala, natawa lang si Dingdong nang makatsikahan namin sa GMA-7. Nagulat siya sa isyung kumakalat na ipinatanggal niya si Mark sa Darna. Wala raw siyang karapatan magpatanggal or magsabi kung sino ang dapat kunin or isama sa isang teleserye or show ng Kapuso Network. Tulad ng comment ni Marian, sinabi rin ni Dingdong na talent lang sila ng Siyete. By the way, excited na si Dingdong sa pagsisimula ng Pinoy version ng Stairway to Heaven kung saan si Rhian na nga ang final choice na lalabas bilang Jodi. "Rhian is a very good actress. Bagay sa kanya ang role at sana'y magampanan namin pareho nang tama ang role na ipinagkatiwala sa amin. Alam ko rin na hindi maiiwasang i-link kami ni Rhian sa isat' isa. Ganyan naman sa showbiz 'di ba?" pahayag ni Dong * * * GUSTO ba ninyong malaman ang sikreto ni Rosebud Benitez? Laging pinapanood sa QTV-11 ang kanyang 15-minute cooking style na may titulong Quick Fire. Mabubulgar ang secret ng magandang maybahay sa The Sweet Life ngayong Lunes. At dahil birthday ni Rosebud, isang bonggang birthday celebration ang inihanda sa kanya ng host na sina Lucy Torres, Wilma Doesnt at Grace Lee. Nang una naming makausap si Rosebud ay nagulat kami dahil 'di nito ipinagkaila na naging battered wife siya at nagkaroon ng isang anak bago nakipaghiwalay sa lalaking walang ginawa kundi saktan siya. Makakasama rin ni Rosebud ngayong Lunes si Ara Mina, at ibubuko ni Wilma Doesnt ang iba't ibang laman sa bag ng actress. Sa fans at mga naka-miss sa sikat na singer na si Joey Albert, nagpaunlak itong lumabas sa TSL na mapapanood bukas at aawitin ang kanyang dalawang hit songs na Tell Me at Ikaw Lang Ang Mamahalin. Magbibigay din siya ng tips sa mga kabataan at promising singers. * * * SIGAW daw ng Cory supporters, wala pang karapatan si Kris Aquino na pasukin ang pulitika. Ang Kuya Noynoy lang daw ni Kris ang may K dahil nagsimula ito sa pagiging congressman at ngayon ay senador kaya marami nang nalalaman sa pagpapatakbo ng gobyerno. In fairness naman kay Kris, naniniwala kami na kapag tumakbo siya sa anumang posisyon ay siguradong mananalo ito. Malaki rin ang paniwala namin na si Kris ay may kakayahang maging public servant ng bansa. Nakuha niya ang talino ng namayapang ama na si Senator Benigno 'Ninoy' Aquino kaya malaki ang chance na matupad niya ang ipinaglalaban ng ama at namayapang ina na si former President Cory Aquino. Ang mga nagsasabi na wala pang karapatan si Kris na pasukin ang pulitika, aminin man o hindi ng mga ito, sila ang mga nangangatog ang tuhod dahil baka maudlot ang pangarap nilang mahalal sa pinaglalawayan nilang posisyon sa darating na election kapag pinasok ni Kristeta ang mundo ng pulitika. * * * NGAYONG Lunes, sa Ripley's Believe It Or Not ng GMA-7, maraming mahihirap paniwalaang sitwas-yon ang mapapanood. Tulad ng isang jumper na muntik mamatay dahil sa pagtalon sa waterfalls, pero nang gumaling tatalon ulit sa mas mataas pang waterfalls, pintor pinakamabilis sa buong mundo, magpi-pinta ng dalawang obra maestra sa loob lang ng tatlong minuto. Ilan lang ang mga 'yan sa mapapanood sa Ripley's hosted by Chris Tiu. Source: Taliba |