|
|
| Marian nami-miss mag-mallAuthor: Tonee Coraza Naloka si Marian Rivera nang hulaan siya bago umpisahan ang prescon ng pelikula niyang Tarot noong Huwebes ng gabi. Medyo nagulat siya dahil may mga katotohanan ang mga sinabi sa kanya ng manghuhula. Pero puna ng press ay madali lang daw i-google ang mga impormasyon na 'yun tungkol sa kanya sa Internet. Naloka si Marian sa hulang magkakaroon daw sila ng apat na anak ni Dingdong Dantes in the future. "Actually, mas gusto ko pa ng mas maraming anak, mga isang dosena parang isang basketball team. Ang alam ko, gusto rin ni Dingdong ng maraming anak," pahayag ni Marian. Pagkatapos ng prescon ay nagkaroon ng birthday party para kay Marian na bigay sa kanya ng Regal Films. Ang tanging wish lang daw niya sa birthday niya ay magkaroon siya ng sapat na oras para sa sarili niya. Nami-miss na raw niyang mag-mall. Ang pinakabonggang regalong natanggap niya ay ang mataas na ratings ng Darna. Noon mismong araw ng birthday niya last Aug. 12 ay binisita siya ni Dingdong sa set ng Darna at nagsalo sila sa isang dinner. May iniregalo raw sa kanya si Dingdong pero ayaw niyang sabihin kung ano ito. Bahala na raw si Dingdong ang magkuwento nito sa press. Magkakaroon ng premiere night ang Tarot sa Lunes, Aug. 24 sa SM Megamall. Kasama niya dito sina Dennis Trillo at Roxanne Guinoo. Tiyak na matatakot kayo sa pelikula na idi-nirehe ng bagong king of horror films na si Jun Lana. * * * Masaya ang ginawang birthday party ni Doc Manny Calayan sa Hardrock Café, Glorietta noong Mi-yerkules ng gabi. Nagkaroon ng impromptu show kung saan nagpaunlak na kumanta ang ilang kaibigan ni Doc Manny tulad ni Brenan at ng sexy girl group na Pretty Young Thing. Kumanta rin ang baguhang singer na si Myrus ng Halik ng Aegis at ng kanyang carrier single na Sayang mula sa kanyang CD na Love Cycle Repackaged. Nagkaroon lang ng kon-ting kaguluhan nu'ng una dahil hindi na-cue nang tama ang minus one-CD ni Myrus. Tatlong beses itong nangyari at nagulat na lang kami nang biglang nagsalita ang host ng mini-program na si John Nite ng: "Kantahin mo na lang kung anong lumabas (na tugtog)," na ikinaloka ng lahat. Hindi na lang ito ininda ng baguhang singer. Magaling din ang bagong boy vocal group na Fourte! na kinabibilangan nina Garth Garcia, Third Casas, Rhon Dacles at Rancid Cadorna na pinaka-cute at may pinakamataas na boses sa grupo. Gandang-ganda kami sa kanilang own version ng Muli ni Bugoy. Nakipag-duet si Doc Calayan kay Brenan at Faith Cuneta na mula naman sa Duets album ni Doc Manny mismo. Agaw-eksena naman ang couples na sina Rafael Rossel at ang bagong non-showbiz GF nito at si Vandolph kasama naman ang misis nito. Naloka rin kami sa ka-sweetan nina Uma Khouny at Kat de Castro ng Trip na Trip sa kanilang table. Kung hindi lang namin alam na may-asawa na si Kat ay maghihinala talaga kaming may namamagitan sa kanila ni Uma. Snooky also came with her hubby na nagmistulang personal photographer ng aktres kasi ay kinukunan siya nito maya't maya. Present din si Selena na unang beneficiary ng Calayan Surgicentre Foundation sa ginawang pag-aayos ni Doc Manny ng napinsalang butt ni Selena. Inabot ng tatlong oras ang operasyon with great success, huh! Humabol din si Sunshine Dizon na latest celebrity endorser ng Calayan kasama si Alfred Vargas. Source: Taliba |