Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Marian, niregaluhan ng iPod si Mura

Author: Ian F. Farinas

KUWENTONG Darna muna tayo...awang-awa pala si Marian Rivera sa co-star na si Mura dahil hindi ito nakakakain 'pag may suot na prosthetics.

Minsan daw sa taping, nakita ni Marian na malungkot si Mura. Nang lapitan at tanungin niya ito kung bakit, sinabi ngang kasi, hindi siya makakain.

Dala raw ng awa, binilhan talaga ni Marian ng iPod si Mura.

'Wag isnabin, dahil nang ibigay ni Marian ang regalo, kumpleto na ng sandamakmak na kanta. Laban ka?

No wonder, patuloy ang blessing niya at ng Darna, na naka-47. 5 percent rating nu'ng Martes.

Kagabi nga pala ginanap ang preskon ng nalalapit nang ipalabas na Tarot nina Marian at Dennis Trillo sa Imperial Palace Suites ng Regal produ na si Mother Lily Monteverde.

Pagkatapos ng preskon, nagkaroon ng bonggang belated birthday celebration si Marian complete with dancing and singing.

Siguradong hindi pinalampas ng rumored BF niyang si Dingdong Dantes ang okasyon.

* * *

BILIB na kami sa leveling ng beauty ng comedy concert queen na si Ai-Ai de las Alas.

Kung sa pelikula ay isang dating Presidente (Erap Estrada) ang kapareha niya, sa concert stage naman, isang gobernadora ang ka-back-to-back niya.

Opo, isa si Ai-Ai sa napili ni Dinagat Islands Gov. Jade Ecleo na makasama sa Face to Phase concert, na nakatakdang ganapin sa Aliw Theater sa September 12, 9 p. m.

Makakasama rin nina Ai-Ai at Gov. Jade sina Dingdong Avanzado, Erik Santos at may special participation si MMDA chairman Bayani Fernando.

Naku, panoorin n'yo na lang kung ano na namang "kababalaghan" ang gagawin ni Ai-Ai sa show, dahil for sure, maging si Gov. Jade, hindi makakaligtas sa mga pakulo ng komedyana. Hahaha!

* * *

'KAALIW ang Pinoy Idol grand winner na si Gretchen Espina, dahil sa launching ng debut album niyang Shining Through under Sony Music, talagang kinikilig siya habang nagkukuwento tungkol sa BF ni Toni Gonzaga na si Direk Paul Soriano.

Si Direk Paul kasi ang humawak ng music video ng first single nitong Kasalanan Nga Ba? at tsika ni Gretchen, na-inspire siyang mag-shoot dahil super guwapo ang director niya.

"Sobrang bait pa ni Direk Paul sa aming lahat. Kaya siguro ganyan ang hitsura ko sa music video, sobrang blooming," hirit pa ng singer, na sumeksi mula nang mag-diet at mag-work-out after Pinoy Idol.

Pero bago sila gawan ng isyu, ikinuwento rin ni Gretchen na nababaitan din siya kay Toni at sa katunayan, dumalaw pa ito sa isang shoot nila.

Wala naman sa mukha ng singer na nainip sa paglabas ng Shining Through. Isang taon din kasi bago ito nai-release.

Naniniwala raw siya sa proper timing at malaki ang tiwala sa GMA Artist Center at sa Sony Music na alam ang nararapat na timing para sa career niya.

Hindi rin daw siya nate-threaten na masapawan ng mga magwawagi sa Are You the Next Big Star? dahil may kanya-kanya silang niche at style.

Source: People's Tonight