Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Marian panay ang swimming

Author: Aster Amoyo
Column: Rated A

Kung kelan nagkaanak ay saka naman naging super sexy at gumanda ang career ni Valerie Concepcion kaya hindi kataka-taka na siya ang kuning unang celebrity endorser ng Slenda, isang natural food supplement na nakakatulong na mapanatiling seksi ang katawan.

"Umiinom ako ng Slenda araw-araw, may katagalan na rin.  Kaya siguro seksi ako," biro ni Val.

Maingat din si Valerie sa pagpili ng mga weight loss product dahil ayaw niyang maranasan ang mga hindi magagandang epektong natamo ng ibang Filipino sa mga synthetic weight loss drugs.

Samantala, tatlong taon na ang kanyang little angel na si Heather Fiona na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita ang kanyang ama na pamangkin ni Ali Sotto.

Ipinagbuntis at isinilang ni Valerie si Fiona na ni anino ng ama ay hindi nakita. Pero sa awa naman ng Diyos ay napapalaki ni Valenrie ang bata nang maayos sa tulong ng kanyang very loving and supportive family.  Daddy at mommy ang tawag ng bata sa parents ni Val at mama naman ang tawag sa kanya.

For a while ay naging item sina Valerie at ang cager na si Dondon Hontiveros ng San Miguel na aminado siyang nakaka-date niya noon pero ngayon ay hindi na dahil pareho umano silang busy sa kanilang respective careers.

Focused muna si Val sa kanyang patuloy na gumagandang career.  Nung nakaraang Pebrero 16 ay muling nag-renew si Val ng panibagong six months contract sa Wowowee.  Magkakaroon din siya ng gag show, ang Banana Split kung saan niya makakasama sina Kristine Hermosa, Anne Curtis at iba pa na magsisimula sa Abril at may pelikula rin siya with Vhong Navarro, ang Supa Papalicious.

"I'm happy being a Kapamilya pero malaki rin ang utang na loob ko sa GMA-7 dahil doon ako nagsimula at sila ang unang nagbigay sa akin ng break," dagdag pahayag ni Val na mukhang isa sa mga susugalan ng ABS-CBN.

Ngayong malabo nang mapunta kay Regine Velasquez ang local version ng Betty La Fea, may mga lumulutang na balita na baka ito'y mapunta kay Valerie.

"I'll be happy kung totoo ang balita," aniya.

* * *

Hindi ikinakaila ni KC Concepcion na nakatanggap siya ng kanyang paboritong bulaklak (na ayaw niyang sabihin kung anong klase) mula kay Richard Gutierrez nung nakaraang Valentine's day at touched umano siya. Pero nag-text naman umano sa kanya ang kanyang  ex-boyfriend (?) na si Direk Lino Cayetano.

Ayaw mag-comment si KC kung nanliligaw nga sa kanya ang nakababatang kapatid ni Ruffa Gutierrez pero isa umano ito sa kanyang malapit na kaibigan dahil very close din umano ang kanyang mommy (Sharon Cuneta) sa controversial mom ni Richard na si Annabelle Rama.

Nakakatuwa si KC na kahit lumaki siya sa showbiz world dahil sa kanyang equally popular parents na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, hindi siya showbiz. Napaka-natural ng kanyang mga sagot at wala pang halong showbiz.

Ngayong nali-link sina KC at Richard, posible kayang pagsamahin ang dalawa sa pelikula na isang neutral producer tulad ng Regal Films ang magpu-produce?

* * *

Kung si Direk Joyce Bernal ang director ng super-hit TV series na MariMar na pinagbibidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, sila ring tatlo ang muling magkakasama sa Dyesebel. Kilala si Direk Joyce sa pagiging box office director sa pelikula na kanya ring pinatunayan sa telebisyon sa pamamagitan ng MariMar.

Samantala, bilang paghahanda, panay na ang swimming lessons ni Marian dahil maraming underwater scenes ang gagawin niya. Maging si Dingdong ay nagpapa-seksi nang husto sa kanyang katawan dahil maraming eksena ang ipapakita ang kanyang katawan.

Umaasa rin si Dingdong na matutuloy ang team-up nila ni Marian sa pelikula isa sa mga araw na ito.

* * *

Personal:  Happy birthday ngayong Lunes, Marso 3 kina Rudy Fernandez at Baby Gil ng Viva Entertainment.

* * *

a_amoyo@pimsi. net

Source: The Philippine Star