|
|
| Marian, patay na patay kay DingdongAuthor: Mercy Lejarde Sa press visit namin sa GMA7's Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang ay nasabi sa amin ni Dingdong Dantes na okey sa kanya kung sila ni Marian Rivera ang magkakatuluyan. "Why not?" sambit pa nito. Dahil 'di kalayuan si Marian sa lugar kung saan ini-interview namin si Dingdong ay nilapitan ni yours truly ang muy simpatikang aktres at ipinarating namin ang sinabi ni Dobol D. Kinuha namin ang kanyang comment tungkol dito. "Why not din po," nangingiti nitong reply. Why? Give us three good reasons why, tsaring! "E, sino ba namang babae ang hindi magkakagusto sa kanya, e,h halos lahat ng katangian ng isang lalake ay nasa kanya na, devah?" O, 'yon na! Kaya na-develop ka na sa kanya? Pero isang malakas na halakhak lang ang isinagot ng Marian with matching birong hampas ng hawak niyang papel. Na kumbaga sa haplos ng pagmamahal ay hampas ng pakikipagbiruan, no more no less and no malice in fairness, tsuk! Naka-wedding gown ang Marian that day dahil kinukunan ni Bb. Direk Joyce ang pagkidnap sa kanya ni Angelu de Leon bilang Helene na naka-wedding gown din. Pero siyempre, if ever na magpapakasal sila ni Dingdong in real life ay mas bonggang wedding gown pa ang isusuot niya for sure. And take note, katabi ni Marian ang nakababatang kapatid na babae ni Dingdong at tinanong ko itech kung boto ba siya para maging sister-in-law ang Marian at nangingiti itong sumagot nang mahinang "yes". * * * Paborito talaga ni Megastar si Erik Santos porke this Sunday, as in Palm Sunday, ay guest niya uli ito together with Rufa Mae's impersonator na si Rufa Mi. Pero kahit anong flirty-flirty ang gawin ng Rufa Mi kay Eric ay tipong wa epek at medyo distancia mi amiga ang drama ng Erik Santos habang nagdu-duet sila ng awiting No Air. Kasama din nina Erik at Rufa Mi sina Pilita Corrales with matching impersonator Perlie Miranda, Neil Pedroza, Anton Diva at doble kara talents sa episode titled Pares-Pares na handog ng Sharon ngayong Palm Sunday only sa primetime bida ng Dos. Source: People's Tonight |