Feb 10
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Marian, pilit inilalaglag

Author: Vir Gonzales
Column: All The Way

Parang walang kapaguran sa mistulang "hate campain" ang mga detractor ni Marian Rivera. Ano ba'ng kasalanan ng aktres sa kanila? Nagalit ba sila kay Marian dahil siya ang bagong love ni Dingdong Dantes?

Mas maganda atang pag-usapan na lang ang tungkol sa obra maestra ni Direk Carlo J. Caparas kesa intrigahin si Marian.

Ang aktres ang nagustuhan ni Direk Carlo na gumanap sa Babaing Hinugot Sa Aking Tadyang na nagsisimula nang mag-taping ngayon at ipalalabas sa primetime block ng GMA-7.

Teka, tahimik na ngayon si Marian, ah! Pero bakit marami pa rin ang gusto siyang ilaglag? Nakakaloka talaga ang showbiz.

* * *

Hindi nagsusuplada si Kim Chiu sa set ng Tayong Dalawa. Kaya lang, mas type niya ang laging nag-iisa para makapagbasa ng script.

Ayaw daw niya kasing mapahiya sa mga veteran stars na kasama niya sa soap opera. "Gusto ko 'yung ready ako. Ayokong ma-take two o masigawan ng direktor," katwiran pa niya.

Samantala, nagbigay ng P10K si Gerald Anderson sa presscon ng kanilang soap opera. Ipina-raffle niya ito at isang writer ang nanalo.

At least, alam ni Gerald kung paano mag-share ng kanyang blessings, huh!

* * *

Sa halip na ipagbili ng dating sexy star na si Amanda Amores nu'ng dekada 80 ang kanyang mga lumang damit ay ipinamigay na lang niya ito sa mga tao sa kanilang barangay.

Tuwang-tuwa naman ang mga tao sa kanyang sa Sto. Domingo kung saan ang chairman ay ang kanyang asawang si Major Richard Yu.

Tuwang-tuwa ang mga senior citizens na nabigyan ng damit.

Nag-form din ng banda si Amanda na tinawag na Vanda de Amores. Tumutugtog ito ngayon sa ilang five- star hotels sa bansa.

'Nga pala, dahil kay Brgy. Captain Richard, nagkaroon ng barangay hall at fire trucks ang kanilang lugar.

* * *

May baguhang aktor na namang pasisikatin si Rochelle Pangilinan ng Sex Bomb. Siya ay si John Lopez na isa sa contestans ng Survivor Philippines. Kasama siya ngayon sa Tarzariray na pang-21 season na ng Daisy Siete.

* * *

Maganda ang naisipang pagpo-produce ng independent film ni Piolo Pascual. Siya ang producer ng Manila.

Katatapos lang mag-birthday ni Piolo. Ang wish niya ay huwag sanang maisipan ng kanyang anak na si Iñigo na pasukin ang showbiz.

Si Iñigo ay nag-aaral ngayon sa Los Angeles, California. Gusto ni Piolo na mag-aral lang ang anak sa Amerika.

* * *

Congrats kay Charice Penpengco na isa sa magiging bisita sa inauguration ni U. S. President Barrack Obama on January 20.

Si Ophra ang "lumakad" para makapag-perform si Charice sa naturang inauguration.

* * *

PERSONAL: Birthday greetings to Francis Hiceta sa Jan. 20, Lilia Maligaya Magnaye of Lucena City on Jan. 22, Albert Manguni ng Candaba, Pampanga, on Jan. 24 at Elpy Ramos ng Pola, Oriental Mindoro, on January 28.

Source: People's Tonight