|
|
| Marian, 'pinagaganda' ni Dingdong!![]() Author: Dondon Sermino SI Marian Rivera ang nanguna sa listahan ng 100 Yes! Most Beautiful, na labas na ngayong buwan ng Hunyo. Sa pangunguna ng YES! Editor-in-Chief na si Jo-ann Maglipon ay ipinasilip na nila sa mga manunulat ang kanilang listahan. Dumalo sa naturang pagtitipon sa Annabel's resto sina Marian, Donita Rose, Kevin Santos, Maxine Eigenmann, at Paolo Contis. Bukod kay Marian, pasok din ang ganda sa Primetime Ladies category sina Kim Chiu, Rhian Ramos, at Bea Alonzo. Samantalang sina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, at Dingdong Dantes naman ang nanguna sa Leading Men category. Siyempre, abot-tenga ang ngiti ni Marian, na gandang-ganda pala sa kanya ang Yes! Magazine. Ano ba ang definition ni Marian sa 'beauty'? “Pag happy ka, maganda ka!” walang kagatul-gatol na sagot ni Marian. “Pag marami kang projects, maganda ka!” dugtong pa niya. Eh, pag in love ka? “Oo naman! Kapag in love ka, maganda ka! Siyempre, happy ka!” sagot ni Marian. Hindi naman itinanggi ni Marian na malaking tulong talaga para sa isang babaeng tulad niya na may Dingdong Dantes na nagpapaganda sa kanya. Naikuwento ni Marian na hindi pa sila nagsyusyuting ng Narda sa GMA 7. Pero, tutok na tutok daw siya sa pagti-training ng martial arts at paglipad sa tulong ng harness. Sabi pa ni Marian, ang nakitang suot niyang costume ni Darna sa teaser ng ipinalalabas ng GMA ay hindi pa final na costume na susuutin niya. “Hindi pa `yon. May iba pa akong susuutin. Ibang-iba sa mga costume na ginamit na noon sa Darna. Mas marami raw accessories ngayon. Abangan na lang nila.” Siyempre, ikukumpara na naman siya bilang Darna kay Angel Locsin, na nag-Darna na rin noon. “Kahit naman noong hindi pa ako nagda-Darna, ikinukumpara na ako. So, ganun talaga `yon,” sabi niya. At kung pagkukumpara ang pag-uusapan, inamin ni Marian na naiintindihan niya ang sitwasyon ngayon ni Carla Abellana. Ikinukumpara nga kay Marian si Carla, na gagampanan nga ang Rosalinda ni Thalia noon. Si Marian ang gumanap sa isa pang project ni Thalia noon, ang Marimar. Ano ba ang dating sa kanya ni Carla? “Mahinhin siya,” nakangiting sagot ni Marian. “Naiintindihan ko ang sitwasyon niya ngayon, dahil nagdaan din ako sa ganung sitwasyon noon,” dugtong na sambit pa ni Marian. Anyway, makikita rin sa 100 Yes! Most Beautiful ang kagandahan nina Jean Garcia-Jennica Garcia, Zsa Zsa Padilla-Karylle, Gloria Diaz-Isabelle Daza. Pasok din ang kagandahan ng mga magpa-partner na sina Judy Ann Santos-Ryan Agoncillo, Angel Locsin-Luiz Manzano, Carmina Villaroel-Zoren Legaspi, Angelica Panganiban-Derek Ramasay. Hindi rin nagpahuli ang beauty nina Iya Villania, Iza Calzado, Jolina Magdangal, Maricel Soriano, Dawn Zuleta, Lorna Tolentino, at Sharon Cuneta. Source: Abante |