|
|
| Marian, pinag-iingat kay JinkeeAuthor: Nitz Miralles Nakipagtsikahan sa press noong Huwebes ng hapon si Marian Rivera, nagbigay ng update sa mga ginagawa niya dahil simula kahapon at hanggang bukas, tuluy-tuloy ang taping niya ng Darna, ang final title ng bago niyang series sa GMA-7 na magsisimula sa August 10. Sisingit din siyang mag-shoot ng TVC ng Maxi Peel sa Sunday at sa Tuesday ang pictorial ng buong cast. Sinabi na kay Marian na may eksenang pupuluputan siya ng ahas at inihahanda na niya ang kanyang sarili 'pag nakunan na ang eksena at du'n na rin niya malalaman kung takot siya sa ahas. Sariling boses din ni Marian ang gagamitin sa pagsigaw ng Darna. May offer kay Marian na ipareha kay Manny Pacquiao sa gagawin nitong sitcom at carry nito ang comedy dahil magaling siyang magpatawa. Natawa ito't pinag-iingat na siya sa misis ni Manny na si Jinkee Pacquiao dahil baka siya'y pagselosan. Tinatapos din nito ang Tarot at sisimulan sa August ang shooting ng Nieves, isa sa mga entry ng Regal Entertainment sa Metro Manila Film Festival at kasama pa rin niya si Buboy Villar, na nakasama niya sa unang Nieves. Hindi lang ang career ni Marian ang namumukadkad, pati ang kanyang lovelife sa piling ni Dingdong Dantes. Happy siya na open na sila sa public at ang actor ang pinakaimportanteng lalaki sa buhay niya. Nagtawanan ang press sa sagot ni Marian na "ay, hindi dahil ginusto ko naman" nang tanungin kung bakit siya pumayag na kunin ni Dingdong. At "sobrang mahalaga siya sa akin" kung bakit niya ginusto ang actor. Bakit naging mahalaga sa kanya si Dingdong? "Unang-una, simula pa lang ng Marimar, todo suporta na siya sa akin. Tinupad niya ang ipinangakong 'di niya ako pababayaan at nasa likod ko lang siya. "Isa rin siya sa mga nagtatanggol sa akin. Parang nasa kanya na lahat, alam din natin kung gaano siya kabait. " Pinuprotektahan ni Marian ang relasyon nila ni Dingdong dahil nakinig sa payo ng press na para magtagal ang relasyon nila, 'wag silang magsusosyo sa negosyo dahil pangit kung mag-aaway sila at maghihiwalay dahil sa pera, na nangyayari sa maraming showbiz couple. * * * Masaya ang producers ng Astig na sina Boy Abunda at Boy So sa kinalabasan ng pelikula at gusto pa nga ni Boy A na manalo ng awards sa Cinemalaya. Sabi ni Boy A: "We have worked with the best actors, the best creative and technical staff sa movie na ito. Hindi na nga kami sigurado kung babalik pa ang puhunan namin, pero gusto kong mabigyan ng karangalan at pagkilala ang mga tao rito at ang pelikula mismo. Salamat kina Noel Ferrer at Jerry Gracio sa napakagandang material. "Matagal kaming naghintay ng tamang material tulad ng Astig. Salamat sa paggawa ng Astig - ang pinakamalaking indie film, hindi sa gastos, kundi sa goodwill, sa puso. " Bida sa pelikula sina Dennis Trillo, Arnold Reyes, Glaiza de Castro, Edgar Allan Guzman at Sid Lucero. Napakaraming guests sa ilalim ng direction ni GB Sampedro. Sa July 18, 9 p. m. , ang world premiere nito sa Main Theater ng CCP at may gala screening sa July 23, 6:15 p. m. * * * Tagumpay ang series of shows ng Mocha Girls sa Dubai with Ice Band. Sa iba't ibang music bars ginawa ang shows mula June 14 to June 19. Ginawa ang shows nila sa Ratsky Ramada (Continental Hotel); Rockwell Café (Capitol Hotel); Metro Manila Bar (Grand Moov Hotel) at Gravity Bar sa Manhattan Avenue Hotel. Pinalakpakan ng mga Pinoy ang Mocha Girls at ang bandang binubuo nina Mark Anthony Uno (lead vox), Erik Glizayriene Peligrino (bassist/vox), Karlo Glicerio Peligrino (drums) at Manuel Eugene Raymund Cruz (keyboards). Sa kanilang pagbabalik, maraming naka-line-up na shows ang Mocha Girls bukod sa regular gig nila. Isa rito ang special show this Saturday 9pm sa Metro Concert Bar with guests Katya Santos and Maui Taylor. Kantahan, sayawan at paseksihan ang mapapanood mamaya! * * * Isa na namang masayang episode ang mapapanood sa Everybody Hapi ng TV5 bukas at guest si Smokey Manaloto bilang Barangay Captain na kukumbinsi sa mga tao na magronda dahil may kumakalat na mangnanakaw sa barangay. Habang busy sa pagroronda si Jim (John Estrada), madalas namang magduduwal ang asawa niyang si Jenny (Roxanne Guinoo). Buntis kaya ito? Malalaman ang sagot 'pag pinanood ninyo ang Everybody Hapi. Source: People's Tonight |