Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Marian, pinakamagandang DARNA

Author: Noel Asiñas
Column: Cut!

UMANI ng palakpak sa press at mga kasamahan sa Darna ang comment ni Celia Rodriguez na si Marian Rivera ang pinakamagandang Darna na nakasama niya sa showbiz.

Kasi naman may limang Darna series na nasalisa-han ni Celia.

Nakasama rin siya sa unang remake ng Darna para sa telebisyon ng GMA-7.

"Pinaka-humble at mabait kasama sa set pa si Marian. Kahit pa sabihing si Marian ang may pinakamagandang mukha ngayon na artista," komento ni Ms. Celia.

Ganyan kaprangka kung magsalita si Celia dahil kung kapanahunan niya ay talagang mataray magsasagot si Celia.

Ang kaibahan lang ni Celia sa mga kasabayan niya, na-maintain pa rin niya ang pagiging glamorosa.

Sa launching ng Darna last Monday, among the senior stars ay si Celia ang may pinakamagandang attire.

Pati hairdo ay bagets ang dating na bumagay naman sa kanya.

Kahit may edad na, hawig pa nga siya ni Katrina Halili, huh!

Sa pagbabalik ng telefantasiya ng GMA, ibinuhos lahat ng creative group ng network ang kanilang manpower.

Si Jun Lana ang headwriter at ang direktor ng remake ng istoryang pang-komiks ni Mars Ravelo ay sina Don Michael Perez at Dominique.

Leading man naman ni Marian si Mark Anthony Fernandez na dati pang crush si Marian at hangang-hanga sa talent ng actress.

Magpapanood na ang Darna sa Monday kapalit ng Zorro.

* * *

HOW true ang tsika sa amin sa set ng Kung Aagawin Mo Ang Lahat sa Akin na muling nagpaparamdam si Patrick Garcia kay Glaiza de Castro.

Parang na-insecure yata ang binatang-ama sa pagpaparamdam ng kasamahan na actor sa soap na si Jace Flores kay Glaiza.

Nabalitang nagpadala lasi ng paboritong four cheese pizza si Jace kay Glaiza at nalaman ito ni Patrick.

Kaya nu'ng wala sa set si Jace, si Patrick naman daw ang nagpabili ng pizza na paborito rin ni Glaiza.

Talagang ang haba ng buhok ni Glaiza, ano?

Dalawang certified hunk ang gustong magpapansin sa kanya.

Pero, balita naman namin na talagang wala pa sa isip ni Glaiza ang pag-ibig sa ngayon at nakatuon sa yumayabong niyang career.

Siya rin ang napiling la-labas bilang Eunice sa local version ng Stairway to Heaven, ang bagong soap ni Dingdong Dantes na hango sa sikat na Korean soap na naging hit sa Pilipinas noon.

Makakasama nina Glaiza sa soap bukod kay Dingdong, si Rhian Ramos, ang bidang babae sa soap. Lalabas namang mother ni Glaiza si Jean Garcia.

* * *

SAMANTALA, nasabi ni Jean Garcia sa set ng "Kari-bal" ng Dear Friend, na dahil sa Stairway to Heaven ay hindi niya tinanggap ang alok ng ABS-CBN na muling gumawa ng soap doon.

"Ang loyalty ko ay nasa GMA-7 dahil sunud-sunod na soap ang ibinigay nila sa akin. Napahinga lang ako ng ilang buwan na kaila-ngan ko naman dahil buhat nang lumipat ako sa Siyete ay sunud-sunod ang assignment ko.

"Sa totoo lang ay wala akong contract sa GMA, pero hindi nila ako pinabayaan. Laging may project ako sa kanila. Habang nag-iintay ako sa Stairway to Heaven, may one month stay naman ako sa Dear Friend. Ganyan ako ka-importante sa kanila.

"Nang nagsabi ako sa GMA na may alok ako sa kabila, hindi naman directly na sinabi sa akin na huwag akong umalis. Basta sinabi nilang may nakalaan agad na projet sa akin. Bilang respeto sa kanila, naintindihan ko ang ibig nilang sabihin sa akin. Kaya andito pa rin ako sa Siyete.

"Mula nang lumipat ako, wala akong masasabi sa pag-aalaga ng Siyete sa akin. "

Mapapanood ang "Mag-karibal" sa Sunday sa Dear Friend pagkatapos ng SOP.

Kasama ni Jean sina Jennylyn Mercado at Wendell Ramos.

* * *

NAKAKALAKAD na nang normal si Wally Ba-yola.

Lumalabas na siya sa Eat Bulaga kahit ang partner niya sa comedy skit sa EB na si Jose Manalo ay hindi pa rin pumapasok.

Dahil free na siyang gumalaw para sa comedy skits nila ni Jose Manalo para sa show nilang Wow, Hayop.

Second season ng infotainment program ng GMA na ito na laging no. 1 sa ratings game.

* * *

MAGANDANG ibinalita sa amin ng dating boss namin sa Journal na si Ka Fundy Soriano na maganda ang tinatahak ng turismo sa Pilipinas.

Nang nakausap niya si Toourism Sec. Joseph "Ace" Durano ay ipinu-project ng butihing secretary na aabot sa limangmil-yong turista ang bibisita sa bansa.

Tourist destination na ang Pilipinas ngayon sa Souteast Asia.

Malaki kasi ang improvements ng tourist facilities ng bansa.

Dumami ang hotels at airports sa bansa na madaling puntahan ng mga turista.

As usual, numero unong tourist destination pa rin sa bansa ang Cebu.

Sa unang quarter ng taon ay nakapagtala na ang agad ang Queen City of The South, from January to March 2009, ng 1. 3 million tourists.

Gumagasta rin ang mga turista ng US$5 billion o sa P235 bilyon.

* * *

HIGIT pang nakatutuwa ang Hole in the Wall, dahil may bagong comedy skit sina Ogie Alcasid at Michael V.

Bukod sa malaking premyo ng mga contestants, nakakaaliw na maglaro ang mga celebrities.

Ngayong Wednesday maglalaban na naman ang mga artistang walang pakialam na mahulog sa pool.

Kahit lagi silang mga basa, basta manalo lang ng cash prizes na pinakamababang mati-take bago ang jackpot ay P50,000.

Maglalaban this Wednesday, makakalaban nina Ciara Sotto, Julia Clarete, Lougee Basabas, sina Mel Martinez, Tuesday Vargas, at Boobay.

Source: Taliba