Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Marian, pinakamagandang babae kay Dingdong!

Marian, pinakamagandang babae kay Dingdong!

Author: Rey Pumaloy

Inamin ni Dingdong Dantes na dumalaw si Marian Rivera sa shooting niya ng Shing Star music video niya. Pero, hindi raw nagbantay si Marian.
Nung mga oras na `yon, sangkatutak na Brazilian models ang kasama ni Dingdong, na lahat ay seksi at magaganda.

Kuwento ni Dingdong, nakita raw ni Marian ang mga Brazilian models. At pabirong sabi ni Dingdong, medyo nakaramdam daw ng selos si Marian.
“Ahmmm... Siyempre...

“Pero para sa akin, wala na talagang gaganda pa sa kanya. Si Marian ang pinakamagandang babae para sa akin,” sambit ni Dingdong na pangiti-ngiti.
Anyway, sa August 2 ang birthday ni Dingdong. Sabi ni Dingdong, wala pa raw siyang naiisip na party.

“Pero gusto ko sanang magkaroon ng something ngayong August. Kahit hindi sa mismong birthday ko. I want to launch something na hindi para sa akin,” sabi ni Dong.

Pinaplano pa lang daw ni Dingdong ang gagawin nila, kaya hindi pa siya makapagsabi ng detalye.

“Kung mabibigyan ako ng chance, that day would be the perfect venue para masabi ko kung para saan siya,” sambit pa ni Dingdong.

Sa August 12 naman ang birthday ng girlfriend niyang si Marian. Pero, wala pa ring ideya si Dingdong kung puwede silang magsabay ng party.

“Wala, eh. Kung sakali mang matuloy ang launching nitong pinaplano ko, this will be very important for me and I would like her to be there,” say ni Dingdong.

Anyway, ngayon pa lang ay sinasabi na ni Dingdong na pareho silang may trabaho ni Marian sa kanilang mga birthday. Si Marian daw ay subsob sa taping ng Darna, at siya naman ay busy rin sa iba't ibang trabaho.

Well, kahit parehong busy sina Dingdong at Marian, hindi maikukubli sa mukha ni Dingdong ang sobra-sobrang kaligayahan.

Sabi nga, balanseng-balanse raw ang buhay ni Dingdong ngayon. Maganda ang daloy ng kanyang career, maayos ang kanyang pamilya, at masaya siya sa piling ni Marian.

Source: Abante