Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Marian, pinakaseksing Darna! Payag ba kayo, Ate Vi at Angel?

Marian, pinakaseksing Darna! Payag ba kayo, Ate Vi at Angel?

Author: Ruel Mendoza

LAST Thursday ay inanunsiyo na ng GMA 7 na si Marian Rivera na ang gaganap na Darna. Siyempre, masayang-masaya si Marian, dahil finally ay napunta sa kanya ang isang character na paborito ng lahat ng Pinoy.

“Nu'ng papunta pa lang ako sa GMA, kinabahan na ako. Iba ang naramdaman ko. Ang alam ko lang talaga ay may meeting kami with Ma'am Wilma.

“Tapos heto na nga, ginulat na nila ako na ako na ang bagong Darna. Sobrang natuwa ako kasi ang laki ng tiwala ng GMA sa akin. Hindi ko inaasahan na ako ang mapipili bilang Darna.

“'Yung mga sinasagot ko before sa mga interviews, totoo iyon. Wala pa silang sinasabing new project ko at malayo ang project na Darna sa isipan ko. Nasabi lang nila sa akin na pambata na project ang gagawin ko.

“Masaya ako kasi kahit na sinong artistang babae ay nangarap na gumanap bilang si Darna, 'di ba? Ibang klase ang dating ng project na ito.

Kaya gagawin ko ang makakaya ko para hindi ako mapahiya sa kanilang lahat,” tuwang-tuwang pahayag ni Marian.

Wala pa ngang gaganap na Efren, ang leading man ni Darna. Para kay Marian ay open na siya na makatambal ang kahit na sino ngayon dahil maghihiwalay muna sila ng ka-loveteam niyang si Dingdong Dantes.

“Siguro it's time na may iba na akong makakasama ngayon sa new project. Kailangan na nating gawin iyon para na rin sa mas ikagaganda pa ng career namin ni Dingdong.

“Nasabi ko naman kay Dong na mami-miss ko talaga siya. Kasi nga ever since Marimar, Dyesebel at Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang, si Dong na ang nakasanayan kong makasama araw-araw sa taping. Kaya nga noong last taping day namin, naiyak talaga ako kasi alam kong mami-miss namin ang isa't isa.

“Pero kung may pagkakataon na magiging guest si Dong sa Darna, mas maganda. Bahala na ang mga writers at mga taga-GMA-7 sa desisyon na iyan. Basta ako, open na ako to work with another actor at gano'n din si Dong na puwede na siyang tumambal sa ibang artistang babae.”

As for the rest of the cast, magkakaroon pa ng ilang series of production meetings para mabuo ang cast, istorya at bagong look ni Darna. Ayon nga sa mga anak ni Mars Ravelo na sina Ruby Ravelo-Austria at Zaldy Ravelo na sang-ayon sila na si Marian ang kinuha ng GMA para maging bagong Darna.

Nang kunsultahin sila regarding kay Marian, agad silang sumang-ayon at para sa kanila ay si Ma­rian ang pinakamaganda at pinaka-sexy na gaganap na Darna.

Naku, ayaw nina Governor Vilma Santos at Angel Locsin ng ganiyan, ha!

Source: Abante